i. c a s

25.1K 456 42
                                    

authors note:  Apologies for too many errors. Pinipilit ng author as of the moment na i-revise ang buong pagkaka-deliver ng words and paragraphs para mas okay basahin. Then, saka na ang grammar issues. baka mag-iiba ang sequence of chapters. may madadagdag at mabubura pero I will assure you guys, that this would be for the benefit of ADK1. 

Note: Malalaman niyo kung edited o revised ang chapter kapag small letters ang title ng bawat kabanata. :)

Enjoy reading! 

- Ky

🌜 🌘 🌝 🌙

CHAPTER 1

IT WAS A TOTAL MESS...

Sa hindi inasahang pagkakataon, papalapit na rin sa puwesto ni Cassandra ang isang grupo ng mga lalaking nagtatakbuhan sa kalye. Sa sobrang pagmamadali, nahagip pa siya ng isa sa mga ito. Napaupo si Cassandra sa aspaltong daanan nang wala sa oras. Sa lakas ng impact ng pagkabangga, naramdaman na lamang niya ang matinding sakit sa bandang balakang habang tumilapon naman ang kanyang mga pinamili.

Nagkalat sa daanan ng wala sa oras ang lahat ng mansanas nang nabitiwan ni Cassandra Sanchez ang supot na kanina pa niya hawak-hawak. May bumangga sa kaniya. Sa lakas ng impact, kanya-kanyang gulong ang mga pulang mansanas na siya mismo ang pumili para sa kaniyang tiyahin. Iyong isang piraso na 'yon, nakarating sa gilid ng basurahan na hindi naman kalayuan sa kaniyang puwesto. Iyong iba ay natapakan na ng mga tao o 'di kaya'y mga motor na dumadaan sa kalye. Paborito pa naman ito ng tita niya at gumulong lang sa maduming daanan. Paano na lang ang kaniyang peace offering nito?

Batid niyang kanina pa 'yon nagmamaktol sa labis na katigasan ng ulo. "Damn! Bakit ngayon pa kung kailan, pauwi na ako?" Sa sobrang lakas ng kaniyang boses, hindi mapigilan ng mga taong nando'n na tumigil at tingnan siya sa kaniyang puwesto. Subalit, wala na siyang pakialam diyan.

Sa sobrang pagkayamot, kinuha niya ang isang piraso ng prutas at malakas na binato sa lalaking nakatalikod ng walang pakialam.

"Tarantado! Bakit kasi hindi ka tumitingin, e!"

Asintado.

Ngingiti na sana siya ngunit kaagad niyang napansin na maling tao ang kaniyang natamaan. Asintado nga pero palpak naman. Isang lalaki na hindi nalalayo sa trenta anyos ang natigilan at tiningnan siya ng masama. Tantiya na, hindi ito lalampas sa anim na talampakan.

Salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kaniya. "Ako pa ang sinabihan mong tarantado, babae?"

Naalarma si Cassandra nang nagsimula na 'tong humakbang papalapit sa kaniya. Nakaramdam siya ng takot nang wala sa oras habang ang kaniyang mga paa ay kusang umaatras papalayo sa lalaki. Mukhang mas nakakatakot pa pala ang isang ito sa malapitan. Bukod pa sa pangit na ang mukha, nakakademonyo pa ngumiti kahit bunga. Sumenyas pa 'to sa tatlong lalaki na nasa gilid lang at mabilis din ang mga 'to na kumilos upang lapitan siya.

Ma-ko-corner siya nang wala sa oras. . . ng dahil lang sa apples.

"Dakpin niyo nga ang babaeng 'yan para mabigyan 'yan ng leksiyon kung ano ang ibig sabihin ng tarantado." Utos nito.

Napalunok si Cassandra ng laway nang 'di oras.

She's dead.

Literally, dead.

🌜 🌘 🌝 🌙

"CASSANDRA SANCHEZ!" Isang malutong na pagtawag ng kaniyang tiyahin ang nag-echo sa bawat sulok ng bahay. Bahadyang tumaas ang tono ng boses nito sa kalmadong tono na lagi niyang nadidinig. It brought her chill on her spine. "At saan ka naman pupunta, Cassandra? Hindi pa kabilin-bilinan ko sa 'yo na huwag kang aalis ng bahay nang hindi nagpapaalam sa akin ng maayos?"

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon