ix. p i c t u r e f r a m e

9.5K 242 13
                                    

A/N: Sorry, ang talaga po ng pag-update. Ginawa ko kasing Third Limited POV po kasi ito. Madugo ang revising. :)

- Kyrian18

🌜 🌘 🌝 🌙


NAGLAKAD silang dalawa ni Nyx sa isang secret passage paalis sa lungga ni Ayden. Whatever it was, nagdudugtong ito sa ilalim ng karagatan papunta sa isla. If people would know this, baka magiging piece ito ng discovery na hindi malilimutan.

Heck, if humans knew that such powerful creatures existed, mag-iiba ang mga pananaw ng mga tao sa mundo. And still, she's here with him.

Was this her blessing or her curse?

Pareho silang nananahimik.
May hangganan ba ang katahimikan na ito?

Tahimik lang si Cassandra na naglalakad na para bang madami rin siyang iniisip, katulad ng lalaking katabi niya. Si Ayden naman, hindi man lang nag-abalang habulin silang dalawa pagkatapos nilang magbulungan kanina sa harapan niya.

Madaming gustong itanong si Cassandra pero hindi niya alam kung paano mag-uumpisang magsalita sa taong katabi niya. Her world was turning upside down, and she couldn't escape from it.

Was this for real? Iyong pakiramdam na napunta siya sa kakaibang mundo na hindi dapat? Iyong feeling na tresspassing siya?

She must not be here.

"Wala bang ilaw dito? Wala akong makita." Si Cassandra na ang bumasag sa katahimikan na iyon.

She felt his hand pressed onto hers. It seemed warm. "Magtiis ka muna. Walang kakayahan ang mga mata mong makakita sa dilim.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad. Magulo ang isipan ni Cassandra, na kahit ang dilim ay hindi man lang siya binigyan ng peace of mind.

Mahirap paniwalaan ang mga nangyayari.

Parang imahinasyon lang ang pag-teleport ni Ayden kanina. At ang kamangha-manghang bahay ni Ayden, ay parang sa libro lang pwedeng mag-exist. No matter how Nyx tenderly held her hand right now, hindi kayang kalimutan ni Cassandra ang paninira nito ng pinto sa isang tirada lang. Ang taglay nitong lakas ay hindi maaaring ikumpara sa isang ordinaryong nilalang.

Para siyang nananaginip nang gising. Like a whirlwind experience, everything didn't make sense, but these imaginations seemed last for long... way too long.

When would she wake up?

"Nyx?" hindi na siya makatiis, hindi dahil sa sobrang katahimikan kung 'di sa sobrang tuliro na ng kanyang isipan.

"Ano?" Mabuti at sinagot naman siya nito.

"S'an mo ko dadalhin? Pwede mo bang ihatid mo na lang ako ulit sa hospital? Malamang hinahanap na ako ni Tita Nimfa. Kanina pa ko nawawala, e."

Napangiwi siya sa sarili niyang mga salita. Kailangan bang magpasalamat siya?

Mali yata ang kaniyanh entrada.

"You'll be home soon. But for now, I need you safe," mahina nitong tugon.

"Safe? I don't think magiging safe ako rito. Mas safe pa ako kung kasama ko si Tita. Just bring me to her please."

"I can't," pag-ayaw nito. "Besides, wala na siya ro'n sa hospital."

She stopped walking.

"Huh? Paanong wala?" kunot-noong tanong ni Cassandra. "Kailangan niyang magpahinga pa roon ng ilang araw. Sa'n mo siya dinala? My god, Nyx! Nabaril ang tita ko! May tama iyon ng baril!" Walang pakialam si Cassandra kahit tumaas pa ang kaniyang boses at umaalingawngaw iyon sa lagusan.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon