x. m o n s t e r

8.9K 241 18
                                    


“You are a worthless child! You are not my boy!”  sigaw ng kaniyang ama habang pinapalo siya ng sinturon sa kanilang sala.

Masakit ang bawat paghampas ng sinturon sa kaniyang balat. Nakikita ni Nyx na pumapatak na ang mga dugo niya sa marmol na sahig.  

“Tama na Papa!” pagmamakawaawa ni Nyx habang ramdam niya ang bawat hapdi at kirot.

Hindi niya alam kung alin ba roon ang mas masakit. Iyon bang pisikal na pagdaing o ang kirot sa puso niyang nagsusumamo sa kaniyang ama na tila ba'y walang puwang ang puso nito sa tulad niya?

“Tama na Papa, masakit,” pagmamakaawa niya.

Sa isang anim na taon na batang kagaya niya, hindi niya alam kung bakit siya ginaganito. Tama, masakit. Pero mas masakit ang mga salitang binitawan ng kanyang ama kaysa sa hagupit ng sinturon sa kanyang musmos katawan. Sadyang masakit. Masakit na umabot sa pinakailalim ng pagkatao niya.

Nyx cried while her mother was just there, crying too,watching him suffered. Kasi alam ng mama niya na wala siyang magawa. Hindi niya kaya ang lupit ng kanyang asawa.

“Hindi kita anak! Bastardo ka! Hindi kita anak! Anak ka sa ibang lalaki ng ina mo!” sigaw ng papa niya na mas pinalakas pa ang hampas ng sinturon kaysa kanina. 

Feeling ni Nyx, hindi na niya kaya ang pagmamalupit. Wala naman siyang ginawa kundi mahalin ang kanyang ama ng buong puso niya. Ano ba ang kulang? Ano ba ang nagawa niyang kasalanan?

“Hindi totoo yan! He’s your son!” sigaw ng kanyang ina at dali-daling tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. “Tama na yan! Bata lang yan si Nyx. Please. Tama na.” Humahagulhol na ang kanyan inang si Samantha.

Hindi alam ni Nyx kung ano ang dapat niyang maramdaman sa pagtatanggol ng kanyang ina sa kanya. Para s’an? Para mabugbog din siya? Dapat hindi na lang siya nito tinulungan.

“Umalis ka diyan, Samantha.’ Wag na’ wag mo sa ‘kin yan ipagtanggol ang bastardo mong anak! Baka ikaw ang tatamaan ko sa pagtataksil sa akin!” Mas lalong nanlilisik ang mga mata ng kanyang ama. Mas nakakatakot.

 Pero niyakap pa din siya ni Samantha, ikinulong sa mga bisig nito. Itinago. Pinuprotektahan.

“Kailanman, hindi kita pinagtaksilan! Ikaw lang ang minahal ko, ang kaisa-isang lalaking minahal ko. Maawa ka sa bata." umiiyak pa rin siya.

 “Tama na ‘yan,  Samantha. Alam nating dalawa ng hindi natin ‘yan anak. Anak mo lang ‘yan."

 “Hindi totoo ‘yan!” pagtatanggol ng kanyang ina.

 “Tama na sabi!”  sabay hampas ng kamay nito sa pisngi ni Samantha at napahiga sa sahig ang ina ni Nyx sa hagupit ng asawa nito.

🌜🌕🌖🌛

Napahapo si Nyx. Natulala nang ilang segundo habang nakatingin sa kisame ng kaniyang kuwarto. Those nightmares still haunted him for years.

“Nyx?” Isang boses ng babae ang kumatok sa kanyang silid. "Nyx,  nasa loob ka ba ng kuwarto?"

Saka lang niya napagtantong hindi pala siya nag-iisa sa bahay niya. It's been years since he’d lived this house with no visitors. Pakiwari niya, isang panaginip lang din ang boses ni Cassandra.  

He closed his eyes wanting to wipe away all those painful memories, na pati sa kaniyang mga panaginip ay sinusundan pa rin siya ng mga ito.

"Nyx? Gising ka na ba?” Isa pang katok ang narinig ni Nyx.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon