xiii. c o f f e e

7.2K 197 12
                                    

Naglakad silang dalawa palapit sa nasabing mansiyon. Sa loob ng dalawang araw, hindi na mabilang pa ang mga impossible at kababalaghan na nasaksihan niya kapag kasama ni Cassandra si Nyx.

"Ayaw mo ng malaking bahay?" he suddenly asked, out of nowhere. Napansin nito siguro na kanina pa siya nakatitig sa mala-gusaling laki ng tahanan nito.

Umiling-iling si Cassandra. "Gusto ko ng simple lang. Iyong madaling magkitaan sa loob. Iyong mabilis madinig ang boses ko kapag tatawag na ako. At isa pa, nakakapagod maglinis kapag malaki ang bahay mo noh. Diyan talaga ako tamad."

Sumilay ang mga ngiti ni Nyx at bumungad ang pantay-pantay nitong mga ngipin. "Gusto mo ng isla pero ayaw mo ng malaking bahay."

She rolled her eyes. "Ikaw nga, namili ng kung anu-ano tapos tinatapon na lang. Akala mo mga damit lang iyon na isahang suotan lang."

Pinaalala niya ang kotse nitong ewan kung sino na ang nakapulot.

Kinumpas ni Nyx ang kamay nito at bigla na lang nagbago ang porma ng bahay. Mula sa malaking mansiyon ay naging simpleng bahay na lang ito na may dalawang palapag. Ang lawak na nasakop ng dating mansiyon kanina ay napalitan ng hardin ng rosas. Nagtubuan lamang ang mga ito at namulaklak pa ng kulay asul at itim. Pareho pa rin ang kulay ng bahay na may pinaghalong kulay puti at itim. Sa second floor ay may balkunahe na kayang tanawin ang kabuuan ng isla. At sa main door ay nakaukit ang kakaibang simbolo na ngayon lang niya nakita.

Unbelievable. Minsan, ang sarap mapanganga sa talento at kakayahan ng lalaking ito. Isa lang ang masasabi niya, paborito nito ang kulay itim at puti.

"How did you do that?" her curiosity is kicking in.

"I own this place. I build this island, depende sa mood at gusto ko. Ang sabi mo you like it small, so i made it smaller. Titira ka riyan nang pansamantala so I want you to feel comfortable living it."

Napalingon si Cassandra sa gawi nito." "Ano? Isang creator? Isang mini-diyos?"

It was more like a teasing, but his sober face made it more clear. Hindi na niya kailangan pang magsalita o magsabi kung anong klaseng halimaw siya.

Napanganga si Cassandra habang ina-analyze ang lahat ng detalye ng lalaking ito; enormous wealth, can teleport, can fly, with exemptional strenght, doesn't grow old, at ang mukha nitong mas higit pa sa perfection ang taglay.

"Oh my god!" bulalas niya. "Oh my god! Isa kang descendant ng diyos!"

Mas lalong hindi sumagot ang kaniyang kausap na siyang nagpalakas nang kabog ng kaniyang dibdib. This was too unreal. How could such perfect beings were living among them?

Totoo ang kaniyang hinala. Nyx is a descendant from heaven.

"Huwag mong sabihing gutom lang 'to! Nahuli na kita, Nyx!" tinuro-turo pa niya ito na para bang nakahuli siya ng malaking isda.

So, ano'ng klaseng isda siya este diyos? Mas bumuhay ang kaniyang dugo sa nalaman niya. At hindi malayong sina Ayden at Luke ay may dugo rin ng mga diyos.

"Is this for real?" Kailangan niyang magtanong at baka kanina pa siya nawalan talaga ng katinuan. "O baka nakahithit lang ako ng droga tapos ito iyong side effects. Kaya lumilipad-lipad tayo kanina."

"Don't talk too much." Sa wakas, nagsalita na rin ito. "We have every right to erase your memories."

Her heart stopped beating upon hearing those words.

"Sabagay, isa lang naman akong ordinaryong nilalang na napadpad sa mundo niyo. Kahit hindi mo buburahin, okay lang, we grow old easily. At kapag gano'n, magiging alaala na lang kami sa inyo, 'di ba?"

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon