HTLAB2 - Chapter 30

59.9K 882 144
                                    


-

Rainbows

-

"How's your flight?" Bungad sa akin ni Xandrei nang pumasok ako sa opisina niya. Sa DVI ako dumiretso dahil paniguradong maninibago ako sa bahay.

Wala na si Ram at Kris. Sa ilang taong kasama ko sila, mahirap alisin ang mga bagay na nakasanayan kong gawin para sa kanilang mag-ina. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay na wala ang kanilang presensya. Unti-unti ko palang natatanggap na putol na ang responsibilidad na inako ko noon.

Huminga ako ng malalim. Tumungo ako sa sofa. Tinignan ko sandali ang aking cellphone kung may text galing kay Anne. There was none. Yes, we've been texting. Iyon lang ang natatangi naming komunikasyon simula nang makalabas siya ng ospital. Hindi ko pa sinasabi sa kanya na divorce na kami ni Ram at ang tunay na rason kung bakit hindi ko pa siya napupuntahan. I'm a little bit guilty because I have to lie. Sinabi ko sa kanyang busy ako sa trabaho pero ang totoo ay inihatid ko si Ram at Kris sa Cebu at nanatili ro'n ng ilang araw. Iniisip ko kung paano ko sasabihin, kung paano ako makakabawi at paano ako pupunta sa kanila at haharap sa kanyang magulang. I miss her.

Sumandal ako sa sofa at pumikit. Alam kong pinapanuod ng kapatid ko ang bawat galaw ko. Naghihintay ng sagot mula sa akin ngunit walang pumapasok na ideya sa isip ko kung ano ang dapat kong ikatwiran sa kanya. I want to rest. I want to have a minute of silence.

Now, what? Wala pa akong plano sa ngayon. Tila nangangapa pa rin ako sa susunod na mangyayari. There's only one thing I wanted to be sure of. This time, I'll take the happiness I deserve no matter what the world would say. I'll be happy with the person I treasure the most. Walang makakapigil sa akin. Sa dami ng pinagdaanan ko, pagtapos ng mahaba-habang panahon ng pagtitiis, my chance is an inch away. All I have to do is grab it with force and once I already have it in my hands, I shall not let it go.

"You came back alone?" Muling pagtatanong ni Xandrei.

Marahan akong tumango ngunit nanatiling nakapikit. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Medyo mabigat ang loob ko mula pa nung umalis ako sa ancestral house ng mga Gutierrez. Hindi ko alam kung paano ko nagawang umalis doon habang nakangiti ng malungkot sa akin si Ram at umiiyak naman si Kris.

Dumilat ako at tumingin ng matagal sa puting kisame. Narinig ko ang pagtayo ni Xandrei sa swivel chair niya. Namalayan ko na lang na nasa harap ko na siya at inaabutan ako ng isang kopita na may lamang brandy.

Tumikhim ako at tinanggap iyon. "Thanks."

"Loosen up, brother. Mas nagmumukha ka ng mas matanda kaysa sa akin. You're thinking too much. Give your brain a break." Nakangisi niyang sabi sa akin. He was trying to ease the atmosphere. Napabuntong hininga ako. Am I too obvious that he could easily read my troubled mind?

Sumimsim ako ng brandy at nilapag ang kopita sa table pagtapos. Nakatayo si Xandrei sa gilid ko at tahimik na umiinom.

"Care to share your thoughts? Since it seems like you couldn't stop thinking about something and it's pretty obvious that it's giving you a hard time."

"Are you going to take Xandra's place since she isn't around to give me endless questions? You sounded just like her."

He shrugged his shoulders. "I'm just concerned. Gusto mo bang tawagan ko pa si Ate para siya na lang ang magtanong sayo? Lilipad agad 'yon pauwi ng Pilipinas kapag nalaman niyang-"

"Shut it out." Napahawak ako sa aking noo. "Sumasakit lalo ang ulo ko."

"Anong nangyari sa Cebu?" Dagdag niyang tanong.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon