HTLAB - Chapter 32

49.3K 633 59
                                    

ANNE POV

"Ren, thank you sa pagpapaalam mo sa akin kay papa saka sa pagsama." nginitian ko si Ren habang siya naman ay sumulyap sa akin at gumanti ng ngiti. Pauwi na kami galing coffee shop. Natuloy ang paglabas namin ni Cyfer. Iyon nga lang, kailangan naming isama si Ren dahil siya ang nagpaalam sa akin kay Daddy. Cyfer said he didn't mind. Natutuwa ako na kahit papaano ay nagtitiwala na rin ito kay Ren. 

"You're welcome. Though, I feel a little out of place." napailing ito. 

"Sorry."

"I understand, Anne. Don't worry. Alam ko naman kung ano kayo. I'm just an outsider. No hard feelings." 

Ngunit hindi ako kumbinsido. Baka isipin niya ginagamit lamang namin siya. Ayokong isipin niya ang bagay na 'yon. 

"Ren, hindi mo naman siguro iniisip na-"

"Sshh. . .wala akong iniisip na masama sa inyong dalawa ni Cyfer kaya huwag kang mag-alala dyan. Believe me, Anne." huminga ito ng malalim. "Hindi ko rin naman alam kung bakit gusto kong makialam at tumulong sa inyong dalawa."

"Hindi ko na alam kung paano ako makakabawi sayo. Simula pa nung na ospital si Cy, ang dami mo ng nagawa for us." Simula nung gabi na binugbog ni Geo at ng mga barkada nito si Cyfer, tumutulong na lagi sa amin si Ren. Nung una may pangamba pa kami na baka masira ang relasyon namin ng dahil sa kanya pero nung araw na 'yon, nagsimula kaming pagkatiwalaan siya. Lalo na ako dahil hindi ako makapunta kay Cy at siya lamang ang napagtatanungan ko ng balita.

And even now, tumutulong pa rin siya. Simple lang naman ang hinihiling niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kulang pa 'yon. . .

"Huwag mo na isipin kung paano ka babawi. Ang mahalaga, yung deal natin. Madali lang naman 'yon, di ba? Kahit iyon lang." sumulyap siya sa akin ngunit agad ring nagfocus sa pagmamaneho.

Tumango ako at muling ngumiti sa kanya. "Okay."

Kung ano man ang deal na 'yon, sa aming dalawa na lang muna. Sa ngayon, thankful na ako sa tulong na ginagawa niya para sa amin ni Cyfer.

Malaking bagay na iyon para sa akin. . .sa aming dalawa ni Cy.

-

"Mapapaaga ang uwi namin, hija."

"P-po?"

"Nakahanda na ang tickets namin ng Daddy mo. Two days from now ang flight namin." excited na sabi ni Mommy.

"T-talaga, Mommy?" Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat maging masaya ako dahil makikita ko na ulit ang mga magulang ko. Pero bakit ganito? Para akong kinakabahan. . .natatakot. . . Hindi ko alam kung bakit. Ang bigat sa pakiramdam.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakinggan ang sinasabi ni Mommy. Excited na itong umuwi at makita ako. Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil hindi ako katulad nito na-eexcite sa pag-uwi nila. I miss my Mom and Dad pero pakiramdam ko, sa pag-uwi nila, maraming mababago. . .

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon