HTLAB - Chapter 41

37.1K 646 152
                                    


CYFER POV


Pain. That was the first thing I felt, first thing registered on my dull brain. Hindi ko pa nga namumulat ang mga mata ko ay iyon na agad ang nasa isip ko. Hindi ko mapigilang umungol. My whole body was aching. Masakit lalo na sa parteng dibdib. Fuck.


Hindi ko pa maidilat ang mga mata ko. Pinilit kong itaas ang mga kamay ko ngunit yung kanan lang ang malaya kong naigalaw. Yung kaliwa ay naka-cast. Doon ako napamulat.


Puting kisame ang una kong nabungaran. Nasilaw ako sa sinag ng araw kaya napapikit akong muli. Ibinaling ko sa kaliwa ang aking ulo. Napamura ako nang maramdaman ang pangangalay ng leeg ko.


I know where I am. Hospital, right? Tss. Alam kong hindi pa ako patay dahil nakakaramdam pa ako ng sakit.


Huminga ako ng malalim at napangiwi. Fucking shit! Pati ba naman paghinga ay masakit?


Muli kong binuksan ang aking mga mata. Bumaba ang tingin ko sa aking kanang kamay. May nakatusok do'n na dextrose.


Mariin kong ipinikit muli ang aking mga mata. Binalik-balikan sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Hindi naman ako nabigong alalahanin ang lahat ng iyon. Malinaw pa iyon sa aking isipan. Tumiim ang aking bagang nang rumehistro ang mukha ni Morris sa eksena kagabi.


Kung kanina ay pisikal na sakit lamang ang aking iniinda, ngayon ay mas nangingibabaw na ang galit.


I've always known him as te most decieving person in the world and a dirty player pero yung ginawa niya sa akin kagabi, kulang na lang ay isumpa ko siya sa sobrang galit. Fucking coward! Kahit kailan ay hindi talaga siya lumaban ng patas. Marumi lagi. Pinakamalala na ang nangyari kagabi. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang pagkamuhi sa taong 'yon. Hindi ko matanggap na sarili kong kapatid ang gagawa sa akin ng gano'ng katarantaduhan.


Napangiwi akong muli nang maramdaman ang sakit sa aking dibdib. Sa tingin ko ay ito talaga ako napuruhan. Nararamdaman ko pa rin ang sipa at suntok nila sa sikmura at dibdib ko. Idagdag pa ang pasong natamo ko.


"Shit!" wala sa loob na naitaas ko ang aking kamay patungo sa aking kaliwang dibdib. Gusto kong makita kung nabura ba yung tattoo. Damn it! Alam kong may paso ako ro'n dahil ramdam na ramdam ko ang hapdi kahit may bandage na nakaikot sa katawan ko. Nanggigil ako ng sobra. Dati ay hawak ko lahat ng kontrol sa sarili ko. I know how to control my emotions, my feelings including my rage. Alam ko kung ano ang limitasyon ko at hangga't kaya kong habaan ang aking pasensya at umaktong walang pakialam ay mas maganda. Ngunit ngayon, pagtapos nang mga nangyari, tingin ko ay malabong makapagpigil ako kapag nagkita na ulit kami ni Morris. I swear. I'm gonna break that motherfucker's face! He pushed me to the edge . And I know I couldn't handle myself anymore. Pasensyahan na lang pag naka-recover na ako. I'm going to give him a piece of his shit. His own medicine.


Pinakalma ko ang aking sarili. Ilang beses akong nagbuntong hininga. What now? Sobrang gulo na naman ng buhay ko. Mapapamura na lang ba ako buong araw?


Hindi ko alam kung ilang araw na ba akong nandito sa ospital. Sariwa pa rin ang mga sugat ko kaya hindi naman siguro ako matagal na nawalan ng malay. Sino ang nagdala sa akin rito?

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon