HTLAB - Chapter 4

77.9K 1.5K 183
                                    

ANNE POV

"alam mo,Anne? Gusto ko ng itanggi na bestfriend kita. Para kang baliw jan,pangiti-ngiti mag-isa. Ano bang nangyayari sayo? Tao ka pa ba?"

Hindi ko pinansin si Rei at nanatiling nakangiti habang nagbabasa ng libro.

Walang makakasira ng mood ko. Masaya ako ngayon.

Kinakain ako ng kilig. Kung pwede nga lang sumigaw ,eh.

"Annielle Martin! Nako ha. Malala ka na. Ano bang nakakatawa jan sa accounting natin? Ako nga di ko na maintindihan,eh. Yung totoo, baliw ka na?"

"shut up,Rei. Magreview ka na jan."

"ang weird weird talaga. Siguro alien ka? Nasaan na ang bestfriend ko?"

"ikaw ang parang baliw jan,eh. Kung anu-anong pinagsasasabi mo."

"Anne naman,eh. Kakaiba ka talaga this past few days."

"paanong iba?"

"para kang . . .hmm. . .blooming? Kung di lang kita kasama lagi,iisipin kong in-love ka!"

Muntik ko ng maibuga ang juice na iniinom ko.

"nyare? Inlove ka talaga?"

"kanino naman ako maiinlove?"

"yan din ang tanong ko,eh. Kanino nga ba? Meron ka bang nagugustuhan na lalaki sa academy?"

"ano sa tingin mo?"

Nanlaki ang mga mata nya.

"meron nga?!"

"pinapahula palang kita,meron na agad?"

"wait ha. Kung pagbabasehan ko yung nangyari kanina sa PE natin,iisipin ko na isa sa mga players don ang crush mo."

Gosh. Napaka-observant naman ni Rei!

"si Geo ba?"

"WHAT?!"

"maka-react naman,wagas. Hinulaan ko lang kung si Geo ba-"

"HINDI NO!"

"chill ka lang! Masyado kang defensive. So, hindi nga si Geo?"

"hindi no!"

"bakit hindi si Geo? Gwapo naman yun ,ah. Matalino pa tapos sikat din-"

"wala akong pakialam sa mga katangian nya. Hindi ko sya gusto at di ko sya magugustuhan."

"parang diring-diri ka kay Geo ah."

"basta di ko sya gusto." dahil binugbog nya si Cyfer.

"ayoko din naman kay Geo no. Masmahambog pa sa pinakamahambog na taong nakilala ko. Hmm, baka naman isa sa mga kaibigan nya?"

"hindi din no. Pare-parehas lang din silang hambog."

"sinabi mo pa! So,wala sa section 1?"

Umiling ako.

"sa section natin ba meron?"

"hmmm. . ."

"meron no?"

"hulaan mo?"

Nasabi na ata ni Rhea lahat ng lalaki na classmate namin maliban kay Cyfer.

"ahm, wait. May nakalimutan pa ba ako?"

"s-si Cyfer."

"ah,oo nga pala. Classmate natin si Madrigal. Siguro naman hindi sya kasama sa choices? Imposible namang magkagusto ka sa taong yon eh pinaglihi ata yun sa bato. Hindi kayo bagay nun. Kahit pa nga ba magaling syang magbasketball at sya ang nagpanalo sa atin kanina laban kina Geo, turn-off pa din ang pagiging cold and distant nya. Saka di naman ganun ang tipo mong lalaki,eh. Kung makasigaw ka nga sa one direction, wagas. E di naman kasing gwapo ni Harry Styles si Cyfer."

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon