Last Chapter Of Part 1

46.3K 876 98
                                    



ANNE POV


Na-miss kong tumambay dito sa sooftop. Simula nung maghiwalay kami ni Cyfer, hindi na ako tumuntong rito. Iniwasan ko dahil pinipilit ko mag-move on at natatakot ako na pag tinapak kong muli ang mga paa ko rito ay babalik sa utak ko lahat ng tinapon kong alaala kasama siya. Aminin ko man o hindi, masakit pa rin kasi noon. Ngayon, medyo tangap ko na.

Medyo. Hindi ko naman din gustong maging bitter pa kaya sinunod ko yung payo ni Rhea. At anong mapapala ko sa pagiging bitter? Babalik ba siya sa akin kapag naging gano'n ako? Hindi naman, di ba? So, I end up accepting his decision kahit wala siyang ibinigay na sapat na rason.

Tinignan ko ang paligid. Gano'n pa rin. Walang pinagbago.

At eto na nga ba ang sinasabi ko, bumabalik sa isip ko ang lahat ng alaala namin. Hindi sa ayokong maalala, those memories are the sweetest thing I had ever experience. Hindi ko lang maiwasang hindi malungkot at manghinayang lalo na tuwing naalala ko 'yon. Sweet memories that will make you regret over and over again. Hindi mo maiiwasang hindi masaktan ng paulit-ulit.

Naalala ko yung unang tagpo namin dito. Hindi ko siya napansin nung umiyak ako. Masungit pa siya no'n pero yun yung unang pagkakataon na nagpasalamat siya sa akin dahil sa panyo. Ito ang ginawa naming tagpuan. Dito kami nagtatabuhan na parang mga bata. Nagtatagu-taguan. Nag-uusap ng mga bagay-bagay. Sabay kumakain. Gumagawa ng mga assignments at projects. Naghaharutan tapos tatawa siya ng tatawa. Yung tawa niya na ako lang yung nakakarinig. Yung ngiti niya na ako lang ang nakakakita. Yung panakaw na halik. Yung mahihigpit niyang yakap. Napangiti ako sa mga alaalang iyon. Naalala ko nun sinabi niya sa akin nung kami pa na kapag kasama niya ako ay nagiging masaya siya. Dito, para kaming nagkaro'n ng ibang mundo.


Wala sigurong maniniwala sa akin kun sakaling magkwento ako ng mga gano'ng bagay tungkol sa kanya. Opposite ng pagkatao niya ang nakikita ng iba. Iyon yung Cyfer na tahimik at walang pakialam sa mundo.


Pero ako, I've seen the boy in him. Nakangiti. Masaya. Hindi aakalain ng iba na siya talaga ang Cyfer na nakikita nilang pumapasok dito sa academy.


Panay pa rin ang iwas ko sa kanya kahit lately ay may na-realize ako. Na-realize ko na hindi ko pala talaga mapipilit ang sarili ko mag-move on kapag ayaw pa ng puso ko. Kahit pa anong udyok ng isip ko na ibaon ko na sa limot lahat ng nararamdaman ko sa kanya ay hindi pa rin mangyayari dahil nakatatak pa rin siya sa akin.

It takes time. At siguro ay hindi pa oras para kalimutan siya.

Ayaw ko na rin ipagsiksikan ang sarili ko kagaya nung ginawa ko noon para mapansin niya ako. Ang pinakamagandang gawin ngayon ay tanggapin ang lahat .

Umupo ako sa bench na favorite spot niya. Nai-imagine ko siya nakahiga rito at nakapikit ang mga mata.

Ilang buwan na ang nakalipas nung huling umupo ako rito. Yun yung time na humingi ako ng tulong kay Heira.

Pumikit ako nang maramdaman ang isang damdaming hindi ko kayang pangalanan. Ayaw ko 'to. Ayokong mag-isip ng masama tungkol sa kanilang dalawa dahil alam kong wala akong karapatan na mag-assume o mag-conclude kung bakit sila madalas na magkasama. Cyfer was my boyfriend. Was. Past tense. Ex ko na siya ngayon. Hindi ko na dapat siya pakialaman kagt masakit na umiwas, 'yon yung pinakamagandang paraan para hindi na lalo masaktan. But in my case, bakit pag lalong lumalaki ang distansya, mas tumitindi ang sakit? Ang gulo.

As a friend of Heira, kung magustuhan man niya si Cyfer, hindi niya na kasalanan 'yon. Naniniwala naman din ako na pag nagmahal ka na ay wala ng pwedeng pumigil sayo . Base from my on experience, kahit bawal maging kami ni Cyfer, naging kami pa din. Sa huli nga lang sumablay. And I have nothing against him. He's a good guy.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon