HTLAB2 - Chapter 15

36.3K 722 73
                                    


Meet his family

-

Napabuntong hininga na lang ako nang makaalis ang si Ram kasama ang kapatid ni Cy. Napalingon ako sa mga head doctors na siyang nangangalaga sa kalusugan at kondisyon ni Ram.


"Ang tagal na naka-confine rito ni Miss Gutierez. Magkaibigan pala kayo." sabi ni Dr. Salazar. Tumango ako at alanganing ngumiti.


"Yeah. Nagulat nga ako nang i-approach ako ni Miss Martin nung nakaraang araw. Anyway," sabi naman ni Doktora Rodriguez. "Mauuna na ako sa taas."


Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sila nagtanong ng kahit na ano. Buti na lang. . .


Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung sino yung babaeng 'yon at parang pamilyar siya. Siguro ay nakita ko na siya dati. Hindi ko lang matukoy kung saan at kung kailan.


Nang matapos ang duty ko tsaka ko lang na-check ang phone ko. May mga text na galing kay Cy.


Cyfer :Busy? Sorry. Hindi ako makapunta dyan. I'm stuck in my office with my executives. Aabutin ng gabi.


Cyfer :Nagkita raw kayo ni Xandie? The little brat keeps on bugging me.


Cyfer :Meet my family, angel. They'll be excited to see you pag sinabi ko sa kanila na nahanap na kita. I'm pretty sure Xandrea will spread the news. That brat. . .


Napangiti ako at nag-reply.


"What's with that bright smile?"


Muntik ko na mabitawan ang cellphone ko sa sobrang pagkagulat. Nasa tapat ng kotse ko si Shinn. Nakahalukipkip siya at matiim na nakatingin sa akin.


"My gosh, Shinn! Kailangan mo bang manggulat?" asik ko.


"Nagulat ka dahil masyado kang busy. Who are you texting?" nagdududang tanong.


Tumikhim ako at binaba ang kamay ko. "What do you need?"


Nagkibit siya ng balikat. "Kakamustahin ka lang. Rhea called me earlier. May pinapasabi sayo. Mag-skype raw kayo mamaya. Importante lang daw."


"Okay." maikli kong sagot. Pinagtunog ko ang aking kotse. Binuksan ko ang back seat para ilagay ro'n ang mga gamit ko. Nando'n pa rin si Shinn at pinagmamasdan ako.


Huminto ako sandali at hinarap siya.


"What? Meron ka pa bang sasabihin?"


"Gusto kong malaman kung may tinatago ka ba."



"Tinatago?" gagad ko. "Ano namang itatago ko?"


How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon