HTLAB - Chapter 34

46K 653 13
                                    

ANNE POV

Maaga ang dismissal dahil examination day. Usually, 12pm ang nagiging uwian namin pag exam. Napabuntong hininga ako at tumingin sa langit. Nandito ako sa rooftop. Hinihintay ko si Cyfer. Kasalukuyan itong nasa opisina ng admin kasama si Ren. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan nila. Aalis ulit kami ni Cyfer pagtapos nito. Ang sabi naman ni Ren siya na ang bahala kay Rhea kung sakaling hanapin ako nito.

Muli akong humingi ng malalim. Nakakasilaw ang sikat ng araw kaya ipinikit ko ang aking mga mata.

Bukas darating na sina Daddy at Mommy. I'm excited to see them but at the same time kinakabahan ako. Pinag-iisipan kong mabuti kung agad ko bang ipapakilala si Cyfer sa kanila o huwag muna. Naguguluhan ako. Mas nahihirapan pa akong sagutin ang nag-iisang tanong na 'to kaysa sa exams namin kanina.

Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag naipakilala ko na si Cyfer sa kanila. I'm sure my mom would love him. Sinusuportahan ako ni Mommy sa lahat ng bagay.

Nag-aalala lamang siya kapag napapahamak ako sa mga desisyon ko. Never ko pa nakitang magalit si Mommy sa akin. She's every inch a lady. Never siyang nagtataas ng boses even when she's pissed. She always used her gentlest tone para pagsabihan ako. She's the best mom in the world. And I know she'll be delighted pag nalaman niyang may boyfriend na ako. She's not the strict type of a mother. Basta't walang masamang maidudulot ang taong 'yon sa akin. Kung meron man akong mairereklamo ay yung pamantayan nila ni Daddy na dapat ay ka-lebel namin ang mga taong nakakasalamuha ako. Iyon ang pinag-aalala ko ng sobra. But Mom had always wanted to have a son. Narinig ko sila ni Daddy dati na nag-uusap tungkol sa bagay na 'yon. They wanted a son, a heir, to manage our business around the globe. But the thing is hindi na nabuntis si Mommy after me.

Kung matatanggap nila si Cy, the will gain a son.

Pero alam kong hindi gano'n kadali 'yon.

Dad is another matter. Kung anong luwag ni Mommy, iyon namang pagkahigpit niya.

I understand why he's doing that, I know he loves me to destruction. I'm a Daddy's girl. Lumaki ako na laging nakagabay si Dad sa akin. I love both of my parents but I'm grew closer to my Dad. There are times that his overprotectiveness suffocates me but I never tell him about it. Ayokong isipin nila na hindi ko gusto ang paraan ng pagpapalaking ginawa nila sa akin. Ayokong isipin nila na nagrerebelde ako or what. Parehas sila ni Mommy ng pamantayan. Dad was just too obvious and very vocal on it. Hindi ako sila sinasalungat kahit labag iyon sa kalooban ko. Gumagawa na lang ako ng paraan para makisama sa iba't-ibang klase ng tao.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Dad pag iniharap at ipinakilala ko na ang boyfriend ko.

First, he might say that I'm too young to have a boyfriend since he was a very protective father. Add the fact that he never trust any guy when it comes to me unless he knew the guy's family like Ren Delgado. I sighed heavily. Mahirap 'to.

Dahil hindi nila kilala si Cyfer at ang pamilya nito, malamang sa malamang ay maging negative ang pagtatanggap niya sa boyfriend ko. Dad wants the best man for me. May sarili siyang definition ng 'best man.' Yung mga uri ng lalaki na gwapo, mayaman, matalino, responsable at may magandang reputasyon ang pamilya. Wala akong naging basehan sa pagpili kay Cy. I just felt the strange feeling I couldn't explain. Then, the I knew, I already fell in love sa lalaking suplado at halos walang pakiramdam.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon