HTLAB - Chapter 23

59K 828 94
                                    

 

CYFER POV

Isa-isa kong inusisa ang mga dokumentong ipinadala ni Attorney Loren Delgado. Matapos kong mabasa ang mga iyon ay tila nanghina ang sistema ko. Wala sa loob na nailapag ko sa mesa ang mga dokumento.

Sumandal ako sa upuan at pumikit sandali.

Hindi birong halaga ang iniwan ni Frank De Vera. Hindi ko akalain na. . .

Mabilis akong dumilat at nagbuntong hininga. Hanggang ngayon ay nasa dibdib ko pa rin ang panghihinayang.

Nanghihinayang ako hindi dahil sa tinanggihan ko 'to noon pa man, nanghihinayang ako kung hindi dahil hindi ko man lamang naipakita sa kanya na karapat-dapat akong bigyan ng ganitong halaga.

I'm not after his money. I'd never imagine myself having even a little part of his fortune. It can never give me the satisfaction and contentment I'm craving for. I know from the very start that his money can never buy any kind of happiness.

All my life I just wanted to have a complete, happy and loving family which compose of a caring mother, a supportive father and ,of course, me.

It was an impossible but desperate wish I'd always prayed to God until I lose my hope and got tired of waiting. It never happened.

The disappointment I'd felt was along with the bitterness I blamed to the world.

Nagalit ako sa mundo at humanap ng iba't-ibang paraan para makalimutan ko ang lahat ng pait na naranasan ko. Sa murang edad, natuto akong magbulakbol, uminom at magbisyo.

Walang nakakaalam. Walang nakakahalata dahil hindi naman ako nilalapitan ng kahit na sino. Ako lamang ang gumawa no'n sa sarili ko. Wala akong naging kabarkada o naging kasama sa mga kalokohang kinasuungan ko kaya wala rin akong mapagbubuntungan ng sisi kung hindi ang sarili ko.

It was a decision chosen by my own demon. Alam kong mali pero itinuloy ko. Wala namang taong mag-aalala para sa akin. Walang taong magbabawal sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Wala akong ibang matatakbuhan kung hindi kasamaan.

The most sinful sin I'd made was comiting suicide. Yes, I tried to kill myself.

Pagod na kasi ako. Pakiramdam ko ay wala namang silbi ang isang tulad ko sa mundo kaya naisip kong tapusin ng maaga ang buhay ko. Akala ko noon ay matatahamik na ako ng tuluyan. Akala ko matatapos na lahat at matutuldukan na ang buhay ko.

Hindi pala.

Dahil pagkagising ko, nasa ospital ako. Pilit na inililigtas ng mga doktor. Pilit na sinasagip para madugtungan ang buhay na binalak kong tapusin.

That unforgettable moment of pain made my tears fall when I realized that I made the wrong choice for the nth time. The pain was unbearable and yet I survived. God gave me endless of chances but I choose to waste it. Hindi ba dapat pinapatapon na ako sa impyerno? Tutal naman kapangalan ko ang isang demonyo kaya doon naman dapat ang destinasyon ko.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon