HTLAB2 - Chapter 21

31.9K 757 45
                                    

-

Misery

-

There are strange happenings we could not delay. Kahit pa nga ba gusto nating ihinto ang oras at ihanda ang ating sarili sa dapat na mangyari. Pero paano nga ba natin malalaman pag handa na tayong harapin ang isang bagay na ating kinatatakutan o iniiwasan? Ano ang basehan?

I wasn't prepared. I knew that this day would come but not this early. I didn't expect that we would end up crowded in a hospital room, me lying in a hospital bed, Cy at the door wanting to come inside and my parents was like a wide barrier between the two of us.

Sumasakit at naninikip ang dibdib ko habang nakamasid sa kanila. Gusto kong tumayo pero walang lakas ang katawan ko. Gusto kong kausapin si Dad. Na sana ay bigyan niya ako ng konsiderasyon kahit ngayon lang. Na sana ay hayaan niya ako. Kahit magpanggap na lang siyang walang nakita ay ayos na sa akin.

But the fire in his eyes became more intense. Na parang anumang oras ay sasabog siyang tila bulkan. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nanghina sa aking nakikita. Pinagmasdan ko si Mommy na lumapit kay Dad at hinimas ang kanyang braso. Halatang natetensyon at kinakabahan na rin si Mommy. Hindi pa rina nagbabago ang expression ni Dad. Ang klase ng titig na pinupukol niya kay Cyfer ay pinagsama-samang galit, kawalang-tiwala, sama ng loob at pagkasuklam.

I want to stop him sa kung ano man ang binabalak niyang gawin. Gusto kong sabihin kay Dad na huwag na siyang magalit. Pero tuyong-tuyo ang lalamunan ko.

Nang mapatingin ako kay Cyfer ay nakatingin lamang siya sa akin. May lungkot sa kanyang mga mata at kahit hindi niya sabihin ay nasasaktan siya. Nasasaktan siya na ganito ang nangyari. Nasasaktan siya na ganito lang ang kina-hinatnan ng lahat. Parehas kami.

Humakbang siya palapit sa akin. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para gawin 'yon. Nakasuot pa rin siya ng hospital cloth. May parte ng kanyang mukha na nangingitim pa rin ngunit pawala na rin 'yon. Medyo nangingitim na ang ibaba ng kanyang mata sanhi ng marahil ng pagpupuyat. Ang tanging nagpapabago sa kanyang maaliwalas na mukha ay ang emosyong nasasalit-salit ro'n. But he remained standing at where he is, proud and arrogant.

"Cy. . ." Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Habang palapit na siya ng papalapit sa akin ay bigla siyang hinarang ni Dad.

"Get out." Malumay ngunit maliwanag na pagkakasabi ni Dad. Mas tumindi ang kaba ko kaya naman wala sa loob akong napasalita. Nagbabara ang aking lalamunan.

"Dad, no. No, please." Pakiusap ko sa kanya. Sana mabigyan niya kami ng tsansang makapagpaliwanag. Na sanay lawakan niya ang kanyang pag-iisip at makinig siya sa akin.

"Daniel." Marahang usal ni Mommy.

"You have the guts to face me after all this bullshits!" Napapikit ako nang tumaas na ang boses ni Dad. Hindi naman natinag si Cy. Mula sa pagkakatingin sa akin ay lumipat ang tingin niya kay Daddy. Hinahanap ko ang kaba o takot sa kanyang mukha pero wala akong nakita. Blanko na ang kanyang ekspresyon. Hindi ko na siya mabasa. Nakatayo siya sa pintuan at hindi natinag sa galit ng aking ama. Ako ang natatakot para sa kanya. Ayokong mag-away sila ni Dad at hangga't maaari ay ayoko ng sakitan. Hindi ko ata kakayaning makita si Dad na sinasaktan si Cy. At kahit pa nga ba alam kong hindi lalaban si Cy sa Daddy ko ay ayoko pa ring mauwi sa gano'n ang eksenang 'to.

"I want to see her." Determinadong sagot ni Cy. Nakikipagpaligsahan sa pamatay na titig ng aking ama. Sinabi niya iyon sa tonong hindi nangangailangan ng kumpirmasyon o humihingi ng permiso.

"Nakita mo na siya. Maari ka ng umalis." Malamig na sagot ni Dad sa kanya. Halatang ayaw man lang palapitin si Cy sa akin,

"Dad, please. . ." Pakiusap kong muli.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon