Love hurts, still I need to Love

566 10 0
                                    

A/N

Hello friends,

        Sorry for super delay update naging busy po sa buhay at I honestly admit na nagkaroon ako ng inspiration sa isa kong story. Hindi na ulet ako magsusulat ng story na sabay sabay unfair kasi sa ibang story; too the point na kailngan kong basahin ang lahat ng chapter bago ako nakapagsulat ulet. Whew. I really hope na hindi nyo maranasan ang naranasan ni Pablo sa chapter na ito. Mahirap kasi talaga yung nag aantay ka sa wala. Anyways enjoy this chapter.

        Thank you so much for reading my stories and I hope you like it. Don’t forget to COMMENT VOTE AND SHARE SOME LOVE.      

        God bless you friends.

Love hurts, still I need to Love

        Mahigit tatlong buwan ko ng kaibigan si Jo at kahit gustong gusto ko na syang ligawan hindi pa rin ako kumikilos. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Aaminin ko noong una ko syang makita nagandahan na ako sa kanya but when we started this friendship doon na ko bumulusok.  Araw-araw lagi kong sinisiguro na tatawagan ko sya, gusto ko kasi lagi syang kausap kahit sobrang babaw ng topic na inoopen ko sa kanya. Madalas din ang pagdaan ko sa clinic nya at dinadalhan sya ng pagkain. Marahil unspokenly panliligaw na ang ginagawa ko but Jo was not a kind of girl na nag-aassume. She never asked about my motives nor acted as if she’s my girl. Basta parang kaibigan lang talaga ako sa kanya. Her ex boyfriend at first pinagbubuntungan ako ng galit. Akala kasi nya inagaw ko sya sa kanya pero paano ko aagawain sa kanya eh sya naman ang nang-iwan sa dalaga. May mga tao talagang hindi mo maintindihan ang ugali. Buti na lamang at sya na mismo ang umalis ng tuluyan kung saang lupalop sya nagpunta wala akong pakialam. Basta ang importante sa akin ay maayos na si Jo at kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob liligawan ko na

        Nagkaroon ng si Jo ng convention sa Cebu kasama pa ang ibang doctors nang tawagan nya ako at nakiusap na sumunod sa kanya. Mabuti na lamang at may natitira pa akong leave kaya naman nagawan ko ng paraan.

“Pablo! I’m so glad you’re here,” excited na sabi ni Jo.

“Malakas ka sa akin eh.”

“Actually gusto ko lang makipagbonding syo. Naalala ko kasi hindi ka pa nakapunta ng Cebu. Eh ako ilang beses na so Ill be your tour guide.”

“Napakagandang tour guide naman.”

“Ill take that as a compliment. Thank you Pablo.”

Ngumiti ako bago nagsalita ulet, “Maganda ka talaga walang halong biro.”

Nakita kong namula ang mukha ni Jo kaya naman mas lalo akong ngumiti sa kanya. Aaminin ko sa araw nay un ang simula ng pagiging flirt ko sa kanya. Naisip ko kasi hindi naman siguro nya ako iinvite sa Cebu ng biglaan kung wala akong dating sa kanya. Hindi gagawin yun ng simpleng kaibigan lamang and at that moment alam kong may pagtingin din sya sa akin. Masarap magbakasyon na kasama mo ang taong minamahal mo. Kaya naman nang makauwi na kami sa manila at inihatid sya sa kanilang bahay ay nagulat sya sa ginawa ko.

“Pablo glad to see you here,” sabi ng Mommy ni Jo.

“Tita good evening po,” sabi ko sabay mano sa kanya pati na rin sa Daddy ni Jo.

The CONFESSION of AN OLD MAIDWhere stories live. Discover now