THE COMMENCEMENT

1.6K 11 4
                                    

 

I just arrived from a long drive from Batangas to Academia of St John Quezon City. I was invited to be a speaker for graduating students. I have so many things to share; my life as a high school student, my dream and goal in life back then, how did I get that goal etc. As I walked in the corridor the memories were coming back to me and I can’t help but smile. It was not easy to be in the Academia of St John because like the other exclusive schools you need to pass the examinations. And I have to leave my family in Batangas and be with my Tito Pablo’s home. They were my second family and taught me a lot of things in life.

Certified probinsyano ako pero bago pa man nagstart ang class tinuruan na akong manamit at magsalita ng diretsong tagalog. May mga pagkakataong hindi ko maitago ang punto ng pananalita ko. Pero sa sobrang saya ng family ko at ni Tito nung pumangalawa ako sa listahan ng mga nakapasa ibinigay lahat ng mga pangangailangan ko mula sa damit, school supplies, sapatos at may monthly allowance pa. Sabi ko nga sa parents ko hindi na kailangan akong bigyan kasi pumasa ako sa scholarship na may stipend. Freshman, first day of school isa-isa kaming tinawag at sinabihan na magpakilala in front of the class. Kahit nahihiya o kinakabahan nagpakilala ako sa kanila.

 

“Hi. My name is James Ramirez. I am from Tanauan Batangas Elementary School. I love to sing and play guitar.”

“Thank you Mr. Ramirez,”said Ms Calma.

After ko may mga nagvolunteer na i-introduce ang sarili at sadyang natulala ako sa apat na girls na nagpakilala. Para akong nakakita ng mga angels na bumaba sa lupa. At sila ang matindi kong kakompetensya sa loob ng classroom. Madalas kaming magdiscussion ni Angel sa ilang mga subjects. Minsan naman si Jessica sa Mathematics kinuwesyon nya yung sagot ko. Hindi ko maungusan sa ball games si Lindsay. At first I thought weakest link si Liz pero hindi rin dapat maging kampante sa kanya dahil magaling sya sa written exams. Nakasalamuha ko sila sa loob ng klase pero after ng class never mo silang makikita sa campus. Umuuwi agad sila habang kaming mga classmates nila  ay may panahon pang gumala sa mall o tumambay sa mga bahay ng ibang classmates namin. Nagulat ako nung minsan nakita ko si Lindsay sa gymnatium naglalaro ng volleyball other than that wala na akong alam sa kanila. Ngunit hindi ito naging hadlang para ligawan ko ang chinitang si Jessica. Dahil nga probinsyano ako nagsimula akong sumulat ng love letters sa kanya na inihuhulog ko sa locker nya. Sobrang kinabahan ako sa magiging reaction nya sa sulat ko. Never would I forget what she said that day.

 

“I found a letter in my locker and the sender name is James. Is that you?”

“Yes i---I was the one who wrote the letter,” nauutal kong sagot. 

“Thank you for the letter. I never thought that you will find me beautiful. But having a boyfriend is my least priority.”

Nasaktan ako sa sinabi nya. Basted na ba ako? Ito ang itinanong ko kay Tito pero ang paliwanag nya “Hijo, hindi ka pa basted. Ang sabi lang nya least priority so ligawan mo lang ng ligawan pasasaan ba’y sasagutin ka rin nyan.” Nabuhayan ako sa payo nya. Kaya never akong tumigil sa panliligaw. Kahit gaano kabusy I always put love letters sa locker nya. Naging mas lalong mailap sya sa akin na sa tuwing magkakasalubong kami hindi man lang nya ako tinitignan. Sophomore nung sumali ako sa Tae Kwon Do Club para matuto ng self defense. Sa buhay ng isang lalaki hindi maiiwasan na may gustong kumorsonada syo. Pagtritripan ka lalo na kung alam nilang mahina ka. But I always fight and I will never let anyone to bully or hurt me physically or emotionally. Kaya ang mga set of friends ko ay mga taga-Tae Kwon Do Club. Sumasali din kami sa mga competition. Walang sinuman sa school ang nagtatangkang mambully o mang-away sa amin. Nagkaroon din kami ng banda at nagpeperform sa tuwing may mga events sa school. Dahil dito naranasan kong magkaroon ng mga girls na humahanga sa akin. Pero ang attention ko ay laging na kay Jessica. I always pray back then na mapanood nya ko at magustuhan kahit papaano.

The CONFESSION of AN OLD MAIDWhere stories live. Discover now