Oplan Hanap

727 9 0
                                    

A/N

Hello.

This chapter will lead to another story of Pablo Ramirez and Dra Jo Viernes. Malaki ang magiging papel nila sa dalawang bida ng story ko. I hope magustuhan ninyo ang chapter na ito.

Salamat sa lahat ng nagbabasa ng story ko.

Don’t forget to COMMENT, VOTE AND SHOW ME SOME LOVE.

Oplan Hanap

          Isang pagkakataon ang ibinigay sa akin ni Liz ang tulungan sya sa paghahanap sa dating kasintahan ni Dra Josephine Viernes. I did not asked kung bakit nya kailangang hanapin ito. Basta ang alam ko lahat ng mahalaga para sa kanya ay sya ring mahalaga sa akin. Sa pagkakaalala ko naaksidente si doctora pero bago pa man sya naaksidente ay nakarehistro na sya bilang isa sa ikakasal kung ano mang taon hindi ko pa alam. Naririto ako sa dating tinitirhan ni Dra Viernes bago pa man umalis ang buong pamilya patungong States. Inuna kong kunin ang lahat ng address ni Dra Viernes at nagtungo roon para mangalap ng impormasyon. Nagtanong tanong ako at halos lahat ng mga nakapaligid doon ay hindi na sila naaalala kaya minabuti kong magtungo sa kanilang Barangay.

“Hinahanap kop o kasi ang nagngangalang Josephine Andaya Viernes?”

“Aba’y matagal ng wala ang pamilyang Viernes sa lugar na ito,” sagot ng isang Mamang nakayellow vest na sa tingin ko ay tanod ng Barangay.

“Ganun po ba?”

“Oo Hijo. Ano bang kailangan mo sa kanya?”

“Kailngan ko lang po syang makausap about sa aksidente noon. Isa po kasi akong researcher. Interesado po ako sa istorya nya.”

“Ay kaawa-awa nga naman talaga ang sinapit nila.”

“Ano pong pangalan ninyo?”

“Balong Garcia.”

“James Ramirez po. Ok lang po ba kayo na lamang ang tatanungin ko?”

“Sige Hijo. Ano bang gusto mong malaman?”

“Matagal na po ninyo silang kilala?”

“Sa tingin magtatlong gulong si Jo nung lumipat ang pamilya nila dito. Mabait at matulungin ang tatay ni Jo palibhasa’y isang doctor. Ang kanya Nanay naman ay may dating tindahan ng tinapay malapit sa palengke.”

“Alam nyo po ba ang pangalan ng boyfriend nya?”

“Pablo ang first name nya. Hijo kung gusto mo punta muna tyo sa bahay. Nabigyan ako ng wedding invitation ng magkasintahan noon. Isa ako sa mga kagawad nung panahong iyon. Ngayon nama’y tumutulong tulong ako sa peace and order ng Barangay namin.”

“Ay sige po.”

          Dalawang kanto mula sa Barangay ang Bahay ni Mang Balong. Pinatuloy nya ako at inutusan ang kasambahay nya na bigyan ako ng meryenda habang hinihintay sya. Pagkaraan ng limang minuto nakita ko syang bumaba galing sa hagdan at dala na ang wedding invitation.

“Eto Hijo. Pablo Ramirez ang pangalan nya.”

Nang iabot nya sa akin ito ay tinignan ko agad nabigla ako sa nakita kong mga pangalan. Si Tito Pablo, iniisip ko baka nagkamali lang but the middle name is the same pati na ang mga pangalan ng Lolo’t Lola ko ay naroroon.

“Hijo ok ka lang ba?”

“Ay opo malaking tulong po sa akin ito. Pwede ko po bang hiramin ang wedding invitation na ito?”

The CONFESSION of AN OLD MAIDWhere stories live. Discover now