The Proposal

381 15 0
                                    

A/N

Hello Friends,

                Last chapter na po ito. Hopefully po magustuhan ninyo. Salamat sa lahat po ng sumuporta sa TCOAOM.

                Don’t forget to VOTE, COMMENT and SHARE SOME LOVE.

God bless you all,

Alex_Camiller

The Proposal

James POV

                Noong una puro boses lang naririnig ko. Kwentuhan ng buong pamilya ko pero parang ang layu-layo nila. Hindi ko alam kung anong nangyari buhay pa ba ako? Wala akong maramdaman yung katawan ko walang pakiramdam. Gusto kong dumilat. Gusto kong sumali sa usapan nila pero wala talaga akong magawa. Hindi ko na malaman kung ilang oras o araw na ba akong tulog. Pero nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko agad ang magandang mukha ni Liz na nakaside view na nakikipag usap sa aking Nanay. Ilang saglit pa ay napansin na rin ako ni Nanay.

“James! Thank God James,” pagsusumamo ni Nanay.

Napatakip naman sa kanyang bibig si Liz habang tumutulo ang kanyang mga mata.

“Pwede ba akong humingi ng tubig?” sabi ko.

Mabilis na kumilos si Liz at kumuha ng tubig sa fridge inilagay sa baso at iniabot sa akin. Nanuyo kasi ang aking lalamunan kaya ako humingi kaagad ng tubig. Matapos kong makainom ay mabilis na yumakap sa akin si Nanay.

“Nanay ok lang po ako.”

“Natutuwa lang talaga ako kasi sa wakas nagising ka rin. Nag-aalala talaga kami ni Liz syo.”

“Nanay, Love huwag na kayong mag-alala kayang kaya ko ito!”

“Dapat lang no,” sabi ni Liz sabay hampas sa braso ko.

“Nanay oh sinasaktan nanaman ako ni Liz.”

“Hahaha ikaw naman. Namiss ka lang ng girlfriend mo.”

“Talaga namiss mo ako?”

Tumango lamang sya.

“Bakit hindi mo ako niyayakap?”

“Ito talagang taong ito. Nakahiya kaya sa Nanay mo.”

“Susme o sige na nga iwan ko muna kayo para makapag-usap kayong dalawa,” sabi ni Nanay.

Mabilis na lumabas ng silid si Nanay.

“Oh wala na si Nanay asan na ang hug ko?”

“Grabe Love hindi ka rin medyo atat no.”

“Hindi.”

“Wheee”

“Sobrang atat!”

Niyakap nya ako ng sobrang higpit.

“Magpagaling ka ng mabilis ha Love,” sabi ni Liz.

“Oo naman para syo.”

                Halos tatlong buwan ang aking therapy at paunti-unting bumabalik ang lakas ng aking mga binti. Isang malaking tulong talaga sa isang may sakit ang pagmamahal at suporta mula sa pamilya at sa taong nagmamahal syo ng tunay. Kahit na sobrang busy ni Liz sa kanyang trabaho ay nagagawa pa nyang pumunta sa bahay namin para kamustahin ang therapy ko. Blessing in disguise ang pagkakabaril sa akin dahil kung hindi nangyari iyon ay magmamatigas pa rin si Liz. Titiisin pa rin nya ako at mananatiling matigas ang kanyang desisyon na hindi ako balikan. Pero kahit naman hindi ako nabaril gagawin ko pa rin lahat ng paraan para mapatunayan ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Never syang napalitan sa puso ko. Ewan ko ba kahit sinong babae ang ireto sa akin o lumalapit sa akin si Liz pa rin ang gusto kong makasama sa buhay. Baliw na nga siguro ang tawag sa akin dahil wala rin akong balak maghanap ng iba. Kung magdedesisyon si Liz na maging matandang dalaga ay irerespeto ko. At kagaya ng desisyon nya mananatili din akong walang asawa. Kahit na siguro dumating ako sa edad na sobrang tanda lagi lamang akong nakatanaw sa kanya.

The CONFESSION of AN OLD MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon