Doctor Love

605 8 0
                                    

A/N

Hello Friends,

Medyo malapit na pong matapos ang story na ito. Sana po magustuhan nyo po itong chapter na ito.

Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng TCOAOM.

God bless you all.

Alex_Camiller

Doctor Love

Liz POV

        Isang linggo ng lumipas mula ng magkita sila Doctora Jo and Tito Pablo. Sa pagkakaalam ko patuloy pa rin ang komunikasyon ng mag-asawa kay Doctora. Malaking achievement ito para sa akin ang layunin kong tapusin ang lungkot sa mga mata si Doctora at mapalitan ng ligaya at kapanatagan ay aking napagtagumpayan. Subali’t di katulad ng nangyari sa kanila kabaliktaran yata ang nangyari sa amin ni James. Aaminin ko nasanay na akong kasama sya at nakakamiss ang pagsundo at pangungulit sa akin. Nararamdaman ko na lamang sya ngayon sa pamamagitan ng mga bulaklak na natatanggap ko araw-araw. Marahil tumigil na sya dahil ilang beses ko na ring dinicline ang panunuya nya sa akin. Ewan ko ba sobrang natruama ako sa nangyari. At napakahirap ibalik ang tiwala sa mga lalaki. Mabuti na lamang at abala ako sa trabaho dahil sa mga projects na tinatapos ko. Hindi na rin ako nakakasama sa part time job ko as coordinator.

        Matapos ang isang buong araw ng pagtratrabaho ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Jessica. She’s inviting me for a dinner sa bandang Cubao. Mabilis akong nakapagpark sa Gateway Mall at tinungo ang Burgoo Restaurant. Pagdating ko doon ay nakita ko agad sya kumaway sa akin. Nakaupo kami sa bandang sulok katabi ng glass window wall na nakikita ang isang parte ng Araneta Center.

“Kamusta ka na Liz? Di man lang tayo nakapagkwentuhan last time na magkita tyo sa commencement ng school natin.”

“Mabuti naman ako Jess. Oo nga eh nagmamadali din kasi ako noon. Ikaw kamusta na?”

“Ok naman.”

“Kamusta ang family mo may anak na ba kyo?”

“Wala pa parehong busy eh.”

“Naku dapat magkaroon kayo ng time para dyan. Iba pag may bata.”

“Sabagay tama ka. Napaisip tuloy ako ng magleave of absence. Hahaha”

“Aba dapat lang no. Ako ang ninang ha kapag may nabuo na.”

“Oo naman. Kayo ni James kamusta na?”

“Kami. Ok naman at least bumalik ang pagkakaibigan.”

“To be honest until now naguguilty pa rin ako sa nangyari sa inyo. I’m very selfish and immature during that time.”

“Jess we talk about this already. I have forgiven you.”

“But still hindi kayo nagkabalikan.”

“Jess I can only friendship other than that wala na.”

“Come on Liz. You can fool me but not yourself.”

“Here we go again. I already decided Jess and my decision to stay an single for the rest of my life.”

“What if he will do the same?”

“He will not. Woman can live without man but Man could not live without woman because of their biological needs. You know what I mean you’re a doctor.”

The CONFESSION of AN OLD MAIDWhere stories live. Discover now