The Operation

228 9 0
                                    

AN

 

Hello Friends,

 

Hope you will like this chapter. Don’t forget to Vote, Comment or Share some love.

 

God bless you,

Alex Camiller

THE OPERATION

Liz POV

 

        Matapos ang dalawang linggo na pagsisiyasat kay James ay kinausap na kaming lahat tungkol sa kanyang kalagayan. May isang nerve sa kanyang utak ang naapektuhan na konektado sa kanyang mga binti kaya hindi ito nagfunction. Isang specialistang doctor ang kailangan nila para gawin ang surgery ito lamang ang naiisip nilang paraan. Pagkatapos nito ay matinding therapy ang gagawin kay James.

“Ill do it,” biglang sabi ni Jessica.

        Lahat kami ay napalingon sa kanya. Nakalimutan kong si Jessica pala ay isang magaling na neurosurgeon bago pa man sya napunta sa WHO bilang isang researcher.

“Are you a neuro-surgeon?” tanong ni Dr Tamayo.

“Yes,” matipid nyang sagot.

“Then wala na pala tayong problema. We can discuss everything sa office ko. Ipapakita ko syo lahat ng xrays, MRI at iba pang information na kakailanganin mo.”

“Ok. James you need to be healthy and well rested para malakas ang katawan mo sa surgery. I’ll do my best and God help us the rest.”

“Ngayon pa lang Jessica nagpapasalamat na kami syo,” sabi ng Nanay ni James.

“Saka ko na po sasabihin na you’re welcome kapag naging maayos na si James,” sagot ni Jessica sabay tingin sa amin ni James.

        Isang umaga tatlong araw bago ang operation nya ay dinala ko si James sa garden ng hospital para kahit papaano’y maarawan at makalanghap man lang sya ng sariwang hangin. Sa ilalim kami ng malaking puno kung saan may bench at wala ibang tao ang pwesto. Naupo ako at nakangiting pinagmasdan ko ang aking kasintahan.

“Bakit ka nakangiti?” tanong ni James sa akin.

“Kaso may kasama akong gwapo.”

“Gaano kagwapo?”

“Sobrang gwapo!”

“Kilala ko ba sya?”

“Siguro.”

“Siguro?”

“Oo. Depende kasi sa kanya kung iyon din ang nararamdaman nya.”

“Ako nga siguro yun?”

“Wheee paano mo naman nasabi?”

“Una sa lahat tyo lang ang nandito. Pangalawa ako lang ang kasama mong lalaki. Pangatlo alam ko naman na gwapo ako.”

“Ganun?”

“Dun sigurado ako.”

“Alam mo James minsan ay hindi pala minsan kundi madalas assuming ka.”

The CONFESSION of AN OLD MAIDWhere stories live. Discover now