THE HOMECOMING

1.5K 20 2
                                    

 

I carefully put my lipstick on as the cab entered the Gate of Howardson’s Country Club. Isang exclusive subdivision ang nagpahintulot sa aming gamitin ang pinakamalaking function room para sa gaganaping Reunion ng High School Batch namin. Malaking area ang kanilang country club at talagang namangha ako mula sa landscaping hanggang sa architecture style ng bawat building. Bago ka makarating sa main building madadaanan mo ang isang gasoline station, signature department stores, restaurants and spas, malalaking tennis at basketball court at malaking swimming pool. Marahang itinabi ni Manong ang sasakyan kasabay nun ang pag-abot ko ng bayad. May magandang moving fountain sa tapat ng Ricardo Hall (ang pangalan ng main building) kung saan ginaganap ang mga malalaking events. Glass Building with dome-style na roof at may veranda sa second floor; they have an automatic door sensor; at the left side naroon ang reception area; sa di kalayuan makikita na agad ang stairs with red carpet. Bago pa man ako magtungo sa mismong function room pumunta muna ako sa veranda to admire the vastness of their golf course. Napakaganda naman dito sabay tanong sa sarili may nagshooting na kaya sa lugar na ito. Magandang location ito para sa Mateor Garden kung magkakaroon tayo ng version. May mga pagkakataong may naiisip akong ganito at pakiwari’y director ng isang pelikula. Pero wala ako sa linya ng film o media. So I remind myself to focus on what I have now.

As requested to the admin of Howardson’s country club they already put the red carpet from stairs to the entire venue. Maayos na ring nailagay ang movie night doorway rope; sa  left side bago ang entrance may isang malaking Movie Clapper na may naka-imprint na “Batch 1998 Action”; sa taas ng door nakalagay ang Now Showing “The Homecoming” with moving lights; on the right side of the door ay ang registration area kung saan nakaready na ang mga laptops para i-cater ang mga darating na guests; katabi ng registration table ay may malaking Movie Standy at nakalista doon ang mga pangalan ng guests with their respective tables; adjacent to the registration table there’s a photo booth with a Hollywood backdrop banner. As I can see it from afar I approvingly smile because what we planned for the past few months finally materialized.

 

“Liz thank God you’re here. We have a problem with our dessert buffet,” sabi ni Pao.

“Anong nangyari?”

“Naiwan ang mga lagayan,” paliwanag pa nya.

“Sige gagawan ko ng paraan. Relax ka lang mahaba pa naman ang oras. May iba pa bang concern?”

“Wala namang iba. Paki-check na lang ang lahat.”

“Ok. Saan nyo nilagay gamit nyo?”

“Sa ilalim ng registration table. Pasok na muna ako ibibigay ko yung usb kay Gene.”

Tumango lang ako sa kanya habang nagtungo sa registration area. Inilapag ko sa ilalim ang lahat ng gamit na dala-dala ko. Kinuha ang laptop, tablet at transparent ear microphone. Isinama ko na rin ang aking laptop sa mga nakaready na laptops sa table at binuksan ang copy ng List of Guests. I also open my tab then tried my best to memories each movie title per table para naman pag may mga guests na magtatanong matulungan ko agad sila. I also browse the program including yung mga special effects ng sound and lights at mga kailangan props. Ang aim namin maging smooth sailing ang event which is in reality kahit gaano kahanda ang isa’t isa meron at meron pa ring concern na susulpot na lng at kailangang bigyan agad ng solution.

When I entered the room makikita agad ang malaking red curtain stage but the rest of the walls ay covered by black curtains and each wall has a LCD screens na kung saan pinapakita ang iba’t ibang slide show ng mga alumni na darating sa event. Nasa left and right side ang buffet at nakahanda na rin ang bawat tables; black round table cloth na may white table runners, ten gold plated spoons and forks, ten Swedish snow plates and bowls with gold table napkins folded in diamond, ang centerpiece ay isang malaking Italian crystal orchidea vase na puno ng yellow roses na may imprinted na number at may picture ng Movie, lastly ang Cheltenham chairs na may gold chair bows.

The CONFESSION of AN OLD MAIDOnde histórias criam vida. Descubra agora