Deal

712 10 0
                                    

A/N

Hello.

I hope you like this chapter.

Pls don’t forget to COMMENT AND VOTE.

Thank you and God bless

DEAL

                Napakabusy ng buong araw ko nagstart na kasi ang project ko sa may Ortigas Avenue. Hindi na ako nakadaan pa ng office kaya naman tumawag na lang ako para iinform ang sa boss ko kung anong latest sa project. Pagkatapos kong tumawag sumunod naman ang tawag ni James sa akin.

“Hello Liz nasaan ka?”

“Greenhills pasakay ng jeep papuntang Edsa. Bakit?”

 “Intayin mo ko dyan susunduin kita.”

“Huwag na James. Pauwi na rin ako.”

“Liz kukunin na natin ang kotse mo ayos na sya. Hintayin mo ko dyan. Saan ka ba banda?”

“Ok fine. Dito lang ako sa 7/11 along Ortigas Avenue and Wilson. Bilisan mo ha.”

“Yes Ma’am.”

                Thirty minutes akong nag-antay kay James at bumili na rin ako ng siopao at surfee dahil sa sobrang inip ko sa pag-aantay sa kanya. Nakita kong pumarada ang sasakyan nya malapit sa pintuan ng 7/11 at agad naman akong tumayo para makasakay na sa sasakyan nya. Itong si James nag-effort pa bumaba ng sasakyan, inintay ako, binuksan ang door ng passenger seat at nang makapasok na ako mabilis nya isinara ito then nagtungo sa driver’s seat.

“Grabe ang traffic sa La Salle area. Sorry ha.”

“Ok lang. Kukunin na ba natin yung car.”

“Oo.”

“Hindi man lang nila ako tinawagan o tinext para naman ako na mismo ang kumuha. Nakakahiya naman syo nag-effort ka nanaman.”

“Liz ok lang naman sa akin. Saka isa pa ako rin mismo ang tumawag sa kanila. Pumunta ako sa bahay ninyo kanina kaya lang nakaalis ka na pala.”

“Ano? Bakit naman?”

“Para sunduin ka.”

“No need James.”

“Just let me do it Liz.”

“Eto nanaman tyo.”

“I push mo ko ng ipush palayo syo. Ako mismo ang lalapit hanggan sa maging ok tyo.”

Napa-iling na lamang ako.

“Liz just tell me kung ano pa ang kailangan kong gawin para lang matapos na itong issue na ito.”

“Wala ka namang kailangang gawin. Itigil mo na lang ang lahat ng ito.”

“Yan ang hindi mangyayari. Tinanong nga pala ako ng Mama mo kung may kilala daw ba akong Private Investigator.”

Nanatili akong tahimik.

“May pinapahanap ka daw Liz?”

Hindi ako umimik.

“Liz!!!” napataas ang boses ni James.

“Ano?”

“Sino ang pinapahanap mo.”

“Sa akin na lang yun.”

“Pwede kitang tulungan. Marami akong connections.”

“Hindi naman importante yun.”

The CONFESSION of AN OLD MAIDWhere stories live. Discover now