THE INVITATION

1.4K 12 1
                                    

 

Nagsimula ang mahabang meeting around 8am at masusing pinag-planuhan ang itatayong Condominium along Ortigas Avenue. I already presented the time-table from visiting the site to gather a land survey on the geography, elevation and slope grades; submitting a comprehensive analysis base on the surveys; reviewing the Government regulations; propose balance cost etc. Inihanda ko na ang sarili sa super busy na schedule.  Mag-aalas-sais ng hapon nang matapos ang meeting namin. Iilan na lang sa mga kasamahan ko ang naroon at paniguradong may tinatapos silang deadline. Mula sa conference room panglimang cubicle bandang dulo malapit sa windows ang area ko.

“Madaming napag-usapan Liz?,” tanong ni Daniel.

“Oo. New project sa Ortigas.”

“Nakapili ka na ng team?”

“Hindi pa. Magtatanong pa lang ako bukas kung sino ang available. Alam ko naman lahat may project na ring ginagawa. Ikaw pwede ka ba?”

“Malapit na akong matapos sa project na hawak ko. Kapag approve na ang costing sasama ako sa project mo. What are friends for  madalas tayo ang nagtutulungan.”

“Thank you Dan.”

“My suitor ka Liz may nagpadala ng flowers. Uyy”

Napangiti lang ako at nakita ko nga sa table ko ang bouquet of white roses, dali-dali kong inopen ang notes pero ang nakalagay lang ay “To : Elizabeth Jane Abaya” napakunot ang noo ko, kanino naman galing ito? Beside my monitor there’s a pink letter envelope addressed in my name. Tinignan ko ang sender from Academia of St. John. Baka thank you letter dahil ako ang naging punong abala sa naganap na Reunion. Ang sweet naman nila sa bahay ko na ito babasahin. Kailangan ko ng umuwi para makapag-pahinga ng maaga dahil bukas sisimulan ko na ang pagchecheck sa site. Pagdadasal ko na maging maayos ang lupang tatayuan at malayo sa any kind of environmental hazard. Nagpaalam na ako kay Dan matapos kong ayusin ang gamit ko at dinala ko na rin ang bulaklak. I parked my car near the elevator para mas madaling makita.  Buti na lang hindi traffic sa Edsa at mabilis akong nakauwi. “Mama andito na ko.” Narinig ko syang sumagot from the kitchen. Inilagay ko muna sa vase ang flowers bago ako umakyat sa room ko. Nagbihis muna ako then kinuha ang letter na natanggap ko kanina. Binasa ko ang letter at inulet-ulet kong basahin ang 2nd sentence nito.

“We are inviting you to our Commencement Day on the 23rd of April to give a speech to our graduating students.”

 

Nagbibiro ba sila. Sa lahat ng mga former students ako pa ang napili nila na magbigay ng speech. Kung nandito lang si Angel malamang sya ang makakatanggap ng letter na ito. Ano namang sasabihin ko sa mga graduating students. Marahil ang mga bulaklak galing sa Academia in fairness na-impress ako . Sino nga ba ako nung high school at ano na ako ngayon? Kung iisipin malaki na nga ang pinagbago ko.

*****

“Aray naman!!!” I shouted.

“Liz you have to maintain a trim brows. Remember brows will shape your face.” Angel suggested.

“Kung ganito kasakit hayaan mo ng walang shape.”

“Ganun talaga ang girl tiis ganda,” Jessica said.

“Dapat ang babae laging maganda bukod sa pagiging matalino,” Lindsay added.

The CONFESSION of AN OLD MAIDWhere stories live. Discover now