CHINA EYES

769 12 1
                                    

Two months na akong bumalik sa Pilipinas para ipagpatuloy ang research tungkol sa dengue. Nang magsimula akong magtrabaho sa World Health Organization as one of researcher for dengue cases pinapadala na ako sa iba’t ibang bansa para mangalap ng informations at mapag-aralan ang bawat estado o scenarios ng mga pasyente. Isa akong Doctor for Infectious Diseases Specialist  at hangarin kong makahanap ng lunas. I never expected na magiging Doctor ako. All I wanted was to be a beauty queen pero nagbago ang lahat after ng graduation ko sa high school. Ilang taon na din akong hindi nakatungtong sa alma mater ko at ngayon isa ako sa mga speaker. Ito na ang tamang panahon para bigyan ng inspirasyon ang mga kabataan. At ayusin ang dapat kong ayusin between me and my friends and my ex. Sinalubong ako ni Ms Roldan at inihatid sa place kung saan ako mauupo. Napangiti ako ng husto ng makita ko ang dalawang taong malapit sa akin sina James at Liz.

***

Grade five ako nang ininroll ako ng parents ko para mag-aral ng Aikido. Isang paraan para masiguradong kaya kong ipagtanggol ang sarili kung saka-sakaling may panganib akong mararanasan at wala ang mga kapatid kong lalaki. Dito ko nakilala sina Angel, Lindsay and Liz mula sila sa iisang school. Naging kaclose ko sila nang ipair ako kay Liz para maging sparring partner ko. Mahirap kalaban si Liz sa Aikido mabilis kumilos at magaling umilag. Madalas nya akong napapatumba pero instead na mainis ako sa kanya naging magkaibigan pa kami. Sya kasi yung tipong bibigyan ka ng tip kung papaano ang gagawin kung inassault ka. Sina Angel and Lindsay naman masarap kakwentuhan kaya naman nung tumagal nagdecide kaming pumasok sa iisang school lang pagdating namin ng High School. Hindi naglaon pati ang pamilya namin ay naging magkakaibigan.

Ang Academia of St John ay isang institution na humuhubog sa mga kabataan para ihanda sa ano mang kursong nais nilang kunin sa colegio. Bukod sa pagtutok sa academics hinihikayat ang bawat isa na matutunan ang iba’t ibang kasanayan sa arts, science, home economics, carpentry etc. Madalas manguna ang students nila sa mga contests, entrance exams sa iba’t ibang universities at sa mga national exams. Kaya naman nung sinabi ko sa magulang ko na dito ko gustong mag-aral todo suporta sila. Abot hanggang langit ang kaligayahang nadarama nila nung makapasa ako sa entrance exam lalo na nung nalaman nila na pangatlo ako sa listahan ng mga nakapasa. 

Sa simula pa lang ng klase makikita mo na kung sinu-sino ang mga matatalino o may ububuga sa klase.  Una na dito ang isang kayumangging lalaki na nagvolunteer para i-introduce ang sarili nya sa klase. Lahat kami napatingin sa kanya nang magtaas sya ng kamay at maglakad patungo sa harap. Kitang-kita sa kanya ang kompyansa sa sarili and the way he speaks kahit sino mararamdaman ang galing nito. Mukhang magiging maganda ang high school ko sabi ko sa sarili. This is exciting and challenging dahil bukod sa mga kaibigan ko na makakasabayan ko sa pagpapakitang gilas marami pa sa loob ng klase ang siguradong makakalaban ko pagdating sa talasan ng isip. Tinitigan kong mabuti si James at napansin kong medyo may pagkakahawig sya kay Albert Martinez yun nga lang hindi sya maputi at may pagkachinito ang kanyang mga mata. Ang gwapo nya ito ang narinig ko mula sa likuran at aaminin kong kahit ako nakuha nya ang atensyon ko. Kaya naman nung makatanggap ako ng sulat mula sa kanya ganun na lang ang pagkakilig ko. Medyo kasi natakot din ako sa kanya dahil sya yung tipong kailangan seryosohin. At hindi pa ako handa sa mga ganoong klaseng relationship. I keep all his love letters specially the first letter that I received.

Dear Jessica,

This is not an easy thing for me and I gather all my strength just to write a letter for you. I really like you and would like to inform you that you’ve been my inspiration in my studies. All I ask is to give me a chance to be your man.

The CONFESSION of AN OLD MAIDWhere stories live. Discover now