Lovers Again

308 10 0
                                    

A/N

Hello Friends,

Here’s the new UD and I really hope na magustuhan ninyo ito. Sana rin matapos ko ito before the end of Holy week. Whew masyadong marami akong pinagkakaabalahan kaya naman hindi agad ako nakakapagsulat.

Salamat po sa lahat ng sumusubaybay sa story na ito. Don’t forget to VOTE, COMMENT or share some LOVE.

God Bless you,

Alex Camiller

Lovers again

 

        Maaga akong pumunta sa bahay ni Dra Jo para tulungan sya sa pagsesegregate ng mga gamot na gagamitin namin sa outreach. Pero hindi pa man ako nakakapasok sa gate nila Dra Jo ay narinig ko na ang mabilis na sigaw ni James.

 

“Liz!”

Napalingon ako sa kanya at nagtataka kung bakit sya naririto.

“May sasabihin ako syo intayin mo ako dyan!” sigaw pa nya.

Ngunit sa pagtawid nya ay biglang may Van na mabilis na dumaan at nakita kong tumilapon ang kanyang katawan sa ere.

 

“JAMES!!!” napasigaw ako kasabay nito ang pagmulat ng aking mga mata.

        Napaupo na ako sa aking higaan at hingal na hingal na inalala ang aking panaginip. “Diyos ko,” bigla kong sambit. Tinapik-tapik ko ang aking pisngi at sinabi sa aking sarili “Panaginip lang iyon Liz. Panaginip lang. Hindi iyon totoo.” Sinulyapan ko ang aking wall clock, “Mag aalas singko na pala.” Dahil sa masamang panaginip ay kinuha ko ang aking rosaryohan at nagsimula ng magdasal. Magdadasal ako para mawala sa isip ko ang masamang panaginip. Magdadasal ako para kay James na sana gabayan sya lagi ng Diyos. Matapos kong magdasal ay nagsimula na akong pumunta sa banyo para maligo at magprepare sa pagpasok ko sa opisina. Mamaya ko na itetext si James kakamustahin ko sya. Ako na ang unang gagawa ng hakbang para magkaroon kami ng komunikasyon. Kasalanan ko rin naman itinaboy ko sya palayo sa akin. Pero kahit hindi na nya ako mahalin basta maayos lang ang buhay nya.

        Pagdating ko ng opisina ay naging masyado akong abala. Sunud-sunud na meeting mula sa mga ongoing project at mga bagong pasok na project. I already inform our Boss na kailangan na naming magdagdag ng tao dahil hindi na biro ang dami ng trabaho.  Sana lang ay pakinggan nya ang sinabi ko o baka naman iniisip nanaman nila ang expenses. Minsan hindi ko maintindihan ang dami daming project at malalaki ang mga budget pero ang magdagdag ng dalawa  hanggang sa tatlong engineer ay hindi nila maisip. Building ang ginagawa namin isang pagkakamali lang maraming taong pwedeng mamatay. Sana man lang maisip nila iyon.

        Inililigpit ko na ang gamit dahil malapit na ang uwian. Papaalis na ako ng makatanggap ako ng tawag sa aking mobile phone.

“Hello Ma’am this is 1st Lt Roberto Quinsay of 45th infantry brigade. We’re requesting you to come at Villamor airbase today. We will airlift the body of Commander James Ramirez from South Cotabato.”

“What? Anong nangyari?” napasigaw ako.

“Ma’am, Ramirez lead the troop to rescue the foreigners held by the lefties. I hope to see you in Villamor he badly need your support.”

The CONFESSION of AN OLD MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon