Mission

249 9 1
                                    

A/N

Hello Friends,

        Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng TCOAOM. Ang chapter na ito ay medyo mabigat sa damdamin. Nais ko lang pong ipakita ang buhay ng isang sundalo at kung papaano sila magtrabaho at mag-isip mailigtas lang buhay ng mga inosente. Ito ang isang parte ng buhay ni James.

        Sana po magustuhan ninyo. Don’t forget to VOTE, COMMENT and SHARE SOME LOVE.

God bless you all,

Alex_Camiller

MISSION

Mag-aalas otso ng gabi ng dumating si Halid sa kampo namin. Nakilala ko ang kanyang ama noon sa palengke iba man ang aming paniniwalang spiritual ay magkapareho naman ang pananaw namin sa buhay. Katulad ko mahal namin ang bansang Pilipinas. Namumuhay sya ng matiwasay at payapa sa lugar na ito. Kahit na may mga pagkakataong binabalot ng gulo ang lugar ay nananatili pa rin syang metatag pati na ang kanyang pamilya. Halos lahat ng kamag-anak nya ay umanib sa radical na grupo na ang layunin ay iparating ang kanilang hinanaing sa Gobyerno sa pamamagitan ng madahas na paraan. Kalagitnaan ng engkwentro malapit sa kanilang lugar ng makita kong tamaan ang kanyang asawa ng ligaw na bala sa may aplaya. Kaya naman dali dali kong kinuha ang kanyang katawan at inutusan ang isa kong tauhan na dalhin kaagad sa aming kampo at ipagamot sa mga medical group namin. Dito nagsimula ang magandang pagkakaibigan namin at ng kanyang buong pamilya. Matapos nito ay naging kaibigan ko sila subalit hindi namin masyadong ipinapakita lalo na sa public place dahil baka pagtangkaan ang buhay nila.

“Halid,” bungad ko sabay lahad ng aking kamay.

“Commander,” bati nya sa akin.

“Kamusta ka? Si Mang Geron? Manang Cita?”

“Maayos naman po kami.”

“Salamat at nagpunta ka dito. Nag-ingat ka ba? Baka may nakakita syo at madehado ang pamilya mo?”

“Sinigurado ko pong walang nakakaalam ng pagpunta ko dito.”

“Alam mo naman kailangan ko ng tulong mo pero ayaw ko rin namang may masamang mangyari sa inyo.”

“Commander huwag kang mag-alala maayos at maingat akong nagpunta dito.”

“Halid kumain ka muna bago tyo magkwentuhan.”

“Salamat Commander medyo busog pa ko. Tubig lang po.”

“Ok.”

“Commander ililipat ang mga dayuhan sa isa pa nilang kuta mas malayo sa kabihasnan.”

“Ganun ba?”

“Narinig ko ang usapan nila Jamaya kagabi bago mag umaga sa martes kailangang nailipat na raw.”

“So kailangan na pala naming gumawa ng action ngayon araw hanggang mamayang madaling araw.”

“Opo.”

“Kabisado mo ba ang lugar?”

“Opo Commander.”

“Mamaya pakimarkahan ang mapa. At kung anong mga makikita sa lugar na iyon. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin?”

“Opo Commander.”

“Marami ba sila?”

“Siguro po humigit kumulang bente dos. Matataas na klase ng armas ang dala dala nila at palagi ko silang nakikita sa kanlurang bahagi dito (itinuro nya sa mapa) nagsasanay sa paggamit ng kanilang dalang armas.”

The CONFESSION of AN OLD MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon