Chapter Two

50.8K 714 8
                                    

—-

-Smirky-

Pupungas pungas akong gumising kinabukasan. Nahilot ko ang sintido ko ng sumakit iyon.

Bwiset na nestea! Hindi na ako iinom non kahit kailan

Maktol ko.

*GURRRL*

Napahawak ako sa tiyan ko ng tumunog iyon.  Gutom na ako ahhh gusto ko na ng makain. Wala ng stock yung ref at pantry.. nakalimutan kong mamalenke kahapon kaya ang isang pack ng nestea ang pinag pyestahan ko kagabi. Tinimpla ko iyon sa isang petsel at yun ang ipinantawid gutom ko kagabi. Kung hindi ba ako tinamad kagabi na lumabas eh.

Napag pasiyahan kong maligo na at mag ayos ng sarili ko. Kailangan kong kumayod para may ma ipang kain ako sa tiyan ko na kahapon pa ang rereklamo. Bigla ko tuloy na miss si Ales.

Owws? Na miss mo siya o yung luto niya lang?

Shut up Brain! Siyempre na miss ko din si Ales at ang luto niya!

Kung di lang talaga malaking pabor ang hinihingi nito sa akin, sumama talaga ako sa kanya papuntang Stallion. Ka inis. Lumabas na ako ng bahay para paka inin ang kanina ko pang kumakalam na sikmura. Bumyahe ako at dahil sa dakila akong pasayaw, nag over speed ako. Hindi nag tagal ay may humahabol na sa aking pulis patrol. Napailing na lang ako.

As if naman na mahahabol nila ako

Umikot ako sa isang street, maya maya ay nakita kong nakasunod pa din sa akin yung pulis. Sumuot ako sa isang masikip na iskinita, akala ko hindi na ito makakasunod sa akin pero napapalatak na lang ako na maya maya ay lumitaw ito at bumuntot sa daang tinatahak ko.

Oh come on, hindi pa ba susuko ang isang to?

Napatingin ako sa dash board ng motor ko at nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko.

Sh.t! I'm running out of gas! At kung hindi ko pa babagalan ang speed ko malamang wala pa sa isang minuto na tumigil ang—

Kinabahan ako ng tumigil yung motor ko.

I'm doomed. Wala na akong Gas

Dali dali akong bumaba sa motor ko. Pasalamat ako at medyo tago ang pinaghintuan ko.

Babalikan na lang kita mamaya baby Gin!

Hinaplos ko muna yung motor ko bago ako tumakbo.

"Hoy miss! Tigil!" napalingon ako sa pulis. Ningitian ko ito ng matamis.

"Ayaw ko nga! Kung gusto mo ako mahuli, habulin mo ako!" yun lang at dali dali akong sumuong sa unang iskinita na nakita ko. Masikip iyon at kasya lang ang tao. Napapalatak ako ng bumaba mula sa motor yung puls at hinabol ako.

Ano ba to, wala ba itong kapaguran? Kanina pa niya ako hinahabol ah! Lintek naman oh!

Unti unti na akong ginugupo ng pagod. Pero hindi ako papaya na mahuli ng pulis na ito. Pag nag kataon ito ang unang beses na mahuhli ako. Kung hindi lang ako naubusan ng gas.

Mas binilisan ko pa ang pag takbo ko kahit pagod na pagod na ako. Habol habol ko na din ang paghinga ko. Malaki ang distansya ko mula sa pulis pero hindi ako pwedeng pakampante. Kailangan ko pa ring bilisan ang takbo ko.

*PRRRTTTTT*

Pumito na yung pulis para hulihin ang atensyon ng mga tao. Nasa medyo mataong lugar na kami dahil kalsada na ito.

"Pigilan niyo ang babaeng yan!" sigaw nito. Napamura ako.

Sh.t ka! Grrr

*PE PEEEP*

His Runaway GirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora