Chapter Thirty One

25.2K 417 6
                                    

---

-Third Persona-

Halos mag i-isang buwan na din sila Smirky at Grin sa tahanan ng mag asawang Celeste at Robert. Ang mga taga roon ay kilala na din ang dalawa at naging kaibigan na din nila. Hindi na pansin ng dalawa ang mga araw na lumilipas. Masaya sila ngayon sa bagong lugar na kanilang tinitirahan.

Pero lingid sa kaalaman ng dalawa, ay may isang binatilyo ang nag ngingitngit kay Grin. Mula kasi ng dumating ang binata sa lugar nila, ay dito natuon ang atensyon ng lahat. Sino ba naman ang hindi mamangha sa katangiang tinataglay ng isang Grin Andrano? bukod kasi sa pisikal na kaanyuan ay marunong makisama si Grin. Yun nga lang at medyo suplado sa mga kababaihan dahil nga daw baka mag selos ang kanyang mahal na asawa.

“Oh nakasimangot ka na naman gan Kaloy” pang aalaska ni Cesar sa kaibigang si Kaloy.

“Tsk nag papakitang gilas na naman kasi ang tisoy” nag ngingitngit na wika nito habang nakatingin kay Grin na abala sa pag tatanim.

“Anong pasikat? Eh ginagawa niya lang naman ang trabaho niya ah.” Nakakunot noong sabi ni Cesar.

“Tignan mo naman kasi, halos lahat ng tao dito ay nakatingin sa tisoy na yan”

“Di mo naman kasi sila masisisi Kaloy. Eh sa makisig yang si Grin eh. Teka pansin ko ah na mainit ang ulo mo sa kanya. Bakit ba?”

“Basta! Ayaw ko lang ng apog niya!” nailing na lang sio Cesar sa tinuran ng binata. Halata naman na naiingit lang it okay Grin. Ipinag kibit balikat niya na lang ito at nag umpisa na ding mag trabaho.

Isang araw, bumaba ng bundok si Cesar. Pupunta siya sa bayan ng araw na iyon para ipamili ang kanilang ani. Kasama si Kaloy at ng iba pang mga kalalakihan. Ng mapadaan sila sa isang tindahan naagaw ng pansin ni Kaloy ang isang diyaryo. KUnot noong kinuha niya iyon at binasa.

Nagimbal siya sa nabasa at kung sino ang tinutukoy sa pahayagan na iyon…

Asawa to ni Grin ah… sabi dito nawawala ang babae at may pabuya kung sino ang makakahanap…

Na demonyo ang utak ni Kaloy. Wala siyang ibang naisip kundi ang makapaghiganti kay Grin na wala namang ginagawang masama sa kanya…

-Grin-

I don’t know why but I feel so uneasy today. Parang may masamang mangyayari…

“Hoy!” nilingon ko si SMirky. Unti unting sumimangot ang mukha nito.

“Tsk di ka man lang nagulat” lumapit ito sa akin at tumabi.

“MUkhang malalim ang iniisip mo ah. May problema ba?” tanong nito. Napabuntong hininga ako.

“Walang problema. It’s just that I’m nervous” kunot noong sabi ko.

“Nervous? Bat ka naman kinakabahan?” takang tanong nito. Nag kibit lang ako ng balikat.

“I don’t know either. Nagiging paranoid lang siguro ako”

“Grin, hijo tara na” sigaw ni tatay Robert mula sa labas ng bahay. I heave out a sigh then look at Smirky. She’s smiling at me and I smiled at her back. Tumayo na ako at hinalikan siya sa noo.

“Take care” he whispered.

“I will” nakangiting sagot nito. Lumabas na ako ng bahay. Ng medyo nakakalayo na kami ay lumingon ako at nakita ko siyang nakatayo sa pintuan. She waved at me and I waved at her back.

Why do I have this feeling that there’s something going to happen today…

Hindi ako mapakali habang nag tatanim kami ni tatay Robert. I’m busy worrying about Smirky. I notice Kaloy looking at me. I look at him back and he smirks at me. Kumunot ang noo ko sa ginawa nito.

His Runaway GirlWhere stories live. Discover now