Chapter Thirteen

30K 483 6
                                    

---

-Smirky-

Bandang hapon ng lumabas kami ng mansion ni Grin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing napapatingin ako sa mga kamay naming magkasiklop. Sumakay kami sa isang sasakyan. PAg baba niya ay nanlaki ang mga mata niya ng makarinig ng mga ingay ng hayop. Specifically kabayo.

Inaya siya ng binata na pumasok sa kuwadra at doon nakita niya ang ilang mga kabayo na inaalagaan, pinapakain ng isang lalaki.

“Mang Ben!” tawag dito ni Grin. Agad naman na lumingon dito ang lalaki at binati sila.

“Oh seniorito Grin! Mabuti at napasyal kayo sa hacienda!” magiliw na bati nito. Tinanguan lang siya ni Grin. Napatingin naman sa kanya ang lalaki at ngumiti.

“Girlfriend niyo po seniorito?” magalang na tanong nito. Agad na namula ang magkabila kong pisngi sa tanong ng lalaki.

“Nililigawan pa lang po mang Ben. Nga pala ilalabas ko lang po si Grimm”

“Oh? Sige pakihintay na lang ang kabayo mo dito hijo” iyon lang at umalis na si mang Ben. Pag balik nito ay may akay akay na itong isang kabayo. Lumapit ito sa amin at ibinigay ang renda kay Grin.

“Salamat mang Ben” hinawakan ni Grin ang kamay ko at iginiya palabas ng kuwadra. Paglabas namin…

“Sakay na” nakangiting sabi nito. Napakunot noo ako.

“A-ako? S-sakay gan?!” gilalas na tanong ko. Napatingin ako sa kabayo at napalunok ng laway.

“Yes. Why not?” nakakunot noong tanong nito.

“H-hindi pa ako nakakasakay sa kabayo” nahihiyang amin ko dito. Ng tignan ko ito ay nakangiti pa din ito.

“No problem. Nandito naman ako eh. I’ll guide you” napatitig siya sa mukha nito. Ewan pero nahuhumaling na ata siya sa lalaking to.

Inalalayan siya ng binata para makasakay sa kabayo. Pagkasakay niya ay sumakay na din ito sa likuran niya. Napasinghap pa siya ng pumalibot ang mga braso nito sa bewang niya at hinawakan ang renda. Hindi niya maiwasang mamula ng ma realize niya kung gaano sila ka close ng binata sa posisyon na iyon. Ang sarap sa pakiramdam na yakap siya nito. Sinandal niya ang ulo niya sa malapad na dibib nito. Akala niya ay tatanggi ang binata pero laking tuwa niya ng hayaan siya nito. In fact pinatong pa nito ang baba sa ulo niya.

Hay, heaven!

Nilibot nilang dalawa ang kabuuan ng hacienda. Masasabi niyang napakalawak nito. Sa kanilang pag lilibot, may mga nakikita siyang mga bahay na naroroon.Pag itatanong niya dito kung sino ang mga nag ma-may ari doon ay mga Andrano pa rin daw.

Makalipas ang halos dalawang oras na pag lilibot nila sa kabuuan ng Hacienda, tumigil sila sa isang puno ng Nara sa isang burol. Inalalayan siya ng binata para makababa. Itinali nito ang kabayo bago ito sumunod sa kanya.

“Wow” tanging nasambit niya sa view na nakikita niya ngayon. Kitang kita niya ang papalubog na araw. Breath taking ang view idagdag mo pa ang malakas na hangin na tumatama sa balat niya.

“Nagustuhan mo ba?” maya maya ay tanong sa kanya ni Grin. Nakangiting nilingon niya ito.

“I love it! Thank you” ngumiti lang ang binata sa kanya.

“This is my favorite spot” maya maya ay nag salita ulit ito.

“Dito ako nag pupunta kung gusto kong ma relax. PAg nakikita ko kasi ang sunset, for me it’s symbolize hope. The day will be end but it will come back again.” Napangiti siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na may ganitong side si Grin. Akala niya talaga ay naknakan ito ng sungiti.

His Runaway GirlWhere stories live. Discover now