Chapter Twenty Eight

24.7K 436 14
                                    

---

-Smirky-

“Hija, kumain ka muna” nilingon ko si ‘nang Ester na nakatayo sa may gilid ng kama ko, may hawak itong tray at matamang nakatingin sa akin.

“Wala akong gana nay” mahina kong sabi bago ko ulit inubub yung mukha ko sa unan ko. Nakarinig ako ng kaluskos malapit sa bedside table. Malamang na doon nilipag ni ‘nang Ester ang tray.

“Hija di naman pwedeng hindi ka kumain. Baka magkasakit ka niyan. Aba ilang araw ka ng walang halos kain. Mapapagalitan ako ng papa mo pag nalaman niyang hindi ka nakakakain ng maayos” bumuntong hininga na lang ako at hindi ito sinagot.

“HIja” naramdaman kong lumubog yung kama ko. Baka umupo doon si ‘nang Ester.

“Alam kong may pinag daraanan ka pero sana wag mo namang pabayaan ang sarili mo. Sarili mo lang pinapahirapan mo sa pinag gagawa mo.”

“Iwan niyo na lang po gan yung pagkain nay. Kakainin ko na lang yan mamaya”

walang ganang sagot ko. Naramdaman ko na tumayo na ito at maya maya ay narinig ko na ang pag sara ng pinto ng kwarto ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng marinig kong bumukas ulit yung pinto ng kwarto ko. Baka si ‘nang Ester na naman ito at pipilitin akong kumain.

“Nay, sinabi na pong mamaya na ako kaka—“ bumalikwas ako ng bangon at agad ding natigilan sa pag sasalita ng makita si papa na nasa loob na ng kwarto ko. Matiim itong nakatingin sa akin.

“Hindi ka daw kumakain ng maayos sabi ni ‘nang Ester” madiing sabi mo.

“What are you trying to do? Are you killing yourself huh?!” galit na sigaw nito. Hindi ko maiwasang matawa. I smirked at him na ikinagulat naman nito.

“Dad, hindi ako mamamatay sa gutom. Besides kumakain pa rin naman ako kahit papaano.”

“Are you trying to get yourself sick?!”

“Tsk no. bat ko naman gagawin yun? Hindi na kailangan because the thought of me being imprisoned here by my own biological father is making me sick already!”

“Watch your mouth Smirky! I am still your father!” my dad hissed at me. I can’t help but to laught sarcastically. I look at him and smiled at him bitterly.

“Father? I don’t think you deserve to be called father. Besides, since you controlled and manipulated my life tinanggalan mo na ang sarili mo ng karapatan para maging ama ko!”

*SLAP*

“How dare you!” dinuro ako nito. I licked my lips and I tasted blood. No wonder na nasugatan  ang gilid ng lbi ko sa lakas ba naman ng sampal niya.

“How dare me?” I looked at him with my blank expression in my face.

“I will ask you the same question dad. How dare you do this to me? To your own daughter? How. Dare. You” madiing kong sabi. Parang nagulat naman ito sa sinabi ko. Umiling iling na lang ako bago ko ito tinalikuran at nag taklubong ng kumot. Hindi nag tagal narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto ko.

I cried for a moment before I decided to get up. I made up my mind and I’m going to repeat what I have done before. Ni lock ko yung pinto at tsaka ko dali daling hinubad ang suot kong pajama. Kumuha ako ng jacket at pera. Binuksan ko ang bintana ko at sinilip muna kung may tao sa baba. Ng makitang walang tao ay tsaka ko hinulog yung pinag tagpi tagpi kong kumot. Mariin muna akong pumikit bago ko nilabas yung katawan ko sa bintana.

Pinag papawisan ako ng malamig habang bumababa ako sa pinag tagpi tagpi kong kumot. Tahimik akong nag dadasal na sana hindi ako mahulog at walang makahuli sa akin. Nakahinga ako ng maluwang ng makalapag ako ng buhay sa sahig. Nag palingon lingon muna ako bago ako tumakbo sa likod bahay. Kumpara sa front gate ay mas mababa ang pader ng back gate ng bahay namin at isa lang ang guwardiya na nag babantay doon.

His Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon