Chapter Thirty Three

28.6K 475 6
                                    

---

-Smirky-

[Meet me at G.A restaurant, eight pm sharp]

Agad akong napakunot noo ng mabasa ko ang na receive kong text message galing kay Grin.

“What’s wrong ate?” napatingin ako kay Gabz na siyang nag tanong. Andito lang kami sa bahay ni Grin kasama ko si Gabz at si Raven.

“Ahh wala… nag text kasi si Grin. I-meet ko daw siya sa G.A resto eight pm sharp” kunot noong sabi ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag ngisi nila Gabz at Raven.

“Ano namang gagawin ko dito?” kunot noong tanong ko sa dalawa…

“Ano pa ba? Ede mag da-date kayo” Gabz said like she’s stating the obvious…

“Ganun?” parang wala sa sarili kong tanong… tumango tango lang ang dalawa sabay ngisi…

“Hmm mukhang may binabalak si kuya ah” nakangising sabi ni Gabz…

“Yeah right I smell something fishy” nakakalokong sabi naman ni Raven. Mas nadagdagan ang pagtataka ko dahil parang may alam ang dalawang to sa mga nangyayari.

“Oh well six thirty na… mag ready ka na ate, kami ng maghahatid sayo sa restaurant ni kuya Gerone” sabi ni Gabz sabay kindat… bago pa ako makahuma ay tinulak tulak na nila ako papuntang kwarto ko. In the end wala na akong nagawa kundi ang maligo at mag ready para daw sa ‘date’ namin ni Grin.

Pagkalabas ko ng kwarto ay naka abang na sa akin yung dalawa… parang mga bata ito na excited sa kung anong bagay. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nilang dalawa at ng tumingin silang dalawa sa akin ay napanganga ang mga ito.

“What the heck?!” napasapo pa si Gabz sa noo niya.

“The fxck” ang mahinang mura naman ni Raven bago ako tinignan mula ulo hanggang paa.

“You’re mouth Raven, kababae mong tao” pag saway ni Gabz dito…

“I can’t help it Gabz! I mean look at what she’s wearing!” Raven exclaimed na parang may mali sa damit ko. Agad na kumunot ang noo ko sa reaksyon ng dalawa. Ano namang mali sa suot kong jeans and shirt?

“Ano bang mali sa suot ko guys?” di ko na natiis at tinanong ko na sa dalawa… napa face palm naman si Raven

“Smirky, alam mo ba kung saan ka pupunta?” tanong ni Raven sa akin. Dahan dahan naman akong tumango…

“No, I think you don’t know. Dahil kung alam mo bakit ganyan ang suot mo? wala namang mali sa suot mo pero I think mali ang suot mo para sa pupuntahan mo”

“My brother is asking you out. You should wear a dress or something semiformal.” Sabi naman ni Gabz. Napabuntong hininga ako.

“I know guys. Pero wala naman akong dami eh. Remember, tumakas lang ako sa kasal ko at ang damit ko pa nong nag punta ako dito is wedding gown? Yung damit ko lang naman na suot ko is yung mga natira ko pang damit dito” I explained to them. Parang natauhan naman yung dalawa…

“Stupid us. How can we forget about that thing?” Raven mumbled.

“Oh well, we have no time… tara na sa mall at ng ma make over ka na namin” Gabz beamed at bigla bigla na lang akong hinila pababa ng hagdan. Napapailing iling na lang naman na sumunod si Raven sa amin samantalang ako eh ito lutang sa mga mangyayari.

“I think bagay sa kanya ito!” kinuha ni HAbz ang isang dress na kulay pula. Napangiti ako sa napili niya dahil parang simple lang iyon. Kinuha ko iyon at ng tignan ko ang likuran ay agad ko iyon binalik kay Gabz.

His Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon