Chapter Nineteen

27.7K 467 5
                                    

---

-Smirky-

Matapos naming mag almusal ni Grin ay sinimulan na naming linisan yung bahay ni Alesson.

“Done!” tinignan ko si Grin na tuwang tuwa habang nag pupunas ito ng pawis sa katawan. Hindi ko maiwasang mapalunok ng laway ng makitang naka topless lang ito under the sunlight coming from the sun.

“Tapos na akong mag bunot ng mga damo dito woman! Eh ikaw tapos mo na bang diligan ang mga halaman?” nakangiting tanong nito sa akin. Napalunok ako ng laway.

“Hindi pa eh” tipid kong sagot bago ko binaling yung atensyon ko sa pag didilig ng halaman.

“Di pa? tsk ang bagal mo naman”

Paano ko ba to matatapos ka agad kung sayo ako naka concentrate at hindi sa pag didilig ko ng halaman? Tsk

Ibilad daw ba yung katawan. Shirtless tapos yung abs nito! effortless sa pag papansin dahil walang ginagawa pero kanina ko pa pinag lalawayan! Tapos yung muscles nito na nag fe-flex tuwing nag bubunot ito ng mga damo! Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nalunok ang laway ko!

“Let me help you then” nagulat na lang ako ng may mga brasong pumulupot sa bewang ko at hinawakan yung kamay ko na may hawak ng hose. Napapikit ako

Damn you Grin bakit ang bango mo pa rin?!

Di pa to nakontento at ipinatong pa yung baba niya sa may balikat ko. I can feel his hot breath fanning my neck! Sinilip ko ito at agad akong napaiwas ng tingin ng makitang nakatingnin ito sa akin.

“Woman” seroyosong tawag nito sa akin.

“Y-yes?” hindi ito sumagot bagkus…

“Kyaaah!” napatili ako ng itinapat nito ang hose sa akin at binasa ako!

“Grin Andrano!” gigil na sabi ko pero tinawanan lang ako nito. Nakatutok pa rin sa aking yung hose! Pilit kong inaagaw sa kanya yung hose pero hindi ko ito maagaw! Inis na inis na ako samantalang ito eh tuwang tuwa pa grrr.

“Hahahaha” tawa pa rin ito ng tawa. Hindi ko na ito pinansin at pumasok na ako sa loob ng bahay para kumuha ng tuwalya at ng makapag bihis na din.

“Hey woman!” tawag nito sa akin pero hindi ko ito nilingon.

“Smirky!”

Tse manigas ka gan!

Pumasok ako sa loob ng kwarto at sinimulan ko ng hubarin yung basang damit ko. Mula sa labas narinig kong tinatawag ako nito pero hindi ako kumibo. Manigas siya gan! Maya maya pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“Hey woman, I know you are in there” sabi nito pero denedma ko lang siya. Kumatok ulit ito.

“Hey, answer me” tsk manigas ka gan!

“I’m warning you I’ll open this door if you are not going to talk” pag babanta nito. Di buksan mo naka lock naman yung pinto eh—

Nanigas yung katawan ko ng biglang bumukas yung pinto at iniluwa non si Grin na seryosong dumungaw sa pinto. Pero hindi nag tagal nanlaki yung mga mata nito tulad na lang ng panlalaki ng mga mata ko ngayon…

Why?!

Because I am effin half-naked!

“U-ugh I-I’m sorry” yun lang at isinara ulit nito ang pinto. Ako naiwan doon na namumula. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan sa pisngi ko.

“Grin!” gigil na sigaw ko.

* * *

Ah oh nagalit na ata

His Runaway GirlWhere stories live. Discover now