Chapter Ten

34.5K 580 16
                                    

---

-Smirky-

Day off ko ngayon. So meaning ‘Grin Free’ muna ako ngayon. Mula nong aminan moment namin sa hallway ng hospital nito, lagi na kaming inuulan ng tukso sa hospital. Pag lalapitan ako nito sa hospital ay mag ‘a-ayeii’ na ang mga ito. At ang loko, he seems don’t mind. Ang mahalaga dito ay makausap lang ako nito.

Wala siyang sinabing ligawan siya nito, pero nag umpisa na itong manligaw. Sa simpleng pag hatid nito sa kanya sa bahay pag out na niya, pag aya minsan sa kanya na mag kape at pag usap nito at higit sa lahat—

One message received…

[Good morning woman]

Ang pag text nito sa kanya, palagi!

This is so unexpected! Si Grin Andrano, nag te-text? Pwede na atang magunaw ang mundo! Ang alam ko, sa personalidad nito, uso ang tawag dito at tawag lang ata ang ginagamit na komunikasyon sa cellphone. Pero hindi. Nag mistula silang teen ager dahil naging mag text mate na sila.

*BEEP*

[Are you awake already?]

Hindi niya mapigilang mapatili sa kilig. Kung ganito ba man din ang mababasa niya pagkagising niya sa umaga, okay na! Good vibes na good vibes na!

[Yes I am awake. Why lover boy?]

Napangiti siya ng ma-sent yong message. Wala pang sampung minuto ng mag beed ulit ang phone niya.

[Nothing. I just want to say, I miss you woman]

“Kyaaah!”

Nag pagulong gulong siya sa kama niya! Si Grin ba to? Bakit parang nag complete turn-around ito at nawala ang pagiging masungit nito?!

*RING RING RING*

Hindi pa siya nakaka get over sa kilig na nararamdman ng mag ring ang phone niya. TInignan niya kung sino ang tumatawag at agad din niya iyong sinagot ng mapag sino iyon.

“Hello!” hindi niya maitago ang excitement sa boses niya. Wala siyang paki kung pagtawanan siya dito. Nawala ng tuluyan ang hiya niya dito. Bakit? Siya si Smirky Delos Reyes! Hindi uso sa kanya ang hiya!

Narinig niya ang mahinang pag chuckle nito. Napakagat siya ng labi niya!

Ang sexy lang kasing pakinggan!

[Are you okay there?]

Napakunot noo siya na tanong nito. Hindi rin nakaligtas sa pandinig niya ang pilyong tinig nito.

“Yes I am. Bakit mo naman natanong?” kunot noong tanong nito.

[Nothing. Narinig kasi kitang tumili eh]

Naramdaman niyang nag init ang mag kabiling pisngi niya

“H-huh? Narinig? Duh ang layo kaya ng bahay ni Alesson sa hospital mo! Paano mo naman narinig na tumili ako aber?!”

Narinig niya itong tumawa sa kabilang linya

[Sino ba kasing nag sabing nasa Hospital ako?]

Napalunok siya ng laway niya. Bakit parang pina sexy pa nito ang boses?!

“Tsk kailan ka ba nag day off sa trabaho mo?” napa irap siya. Kilala niya ito sa pagiging workaholic. Katunayan nong naaksidente si Gerone, unang beses niya itong nakita at pagod na pagod ang hitsura nito. Sa panahong sinasamahan niya ang kaibigan na si Alesson sa pag bantay kay Gerone, ay lagi niyang nakikita si Grin. Hindi ito nag da-day off.

His Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon