Chapter Fifteen

28.8K 510 6
                                    

---

-Smirky-

Andito ako ngayon sa ‘three in one’ café, kasama ko si Doc. Alec.

Si Doc Alec ay ang doctor na pinag bigyan ko ng ginawa kong kape na para sana kay Grin, noon. Para hindi masayang ay ibinigay na lang niya sa unang taong makikita niya ang ginawang kape, at si Doc Alec iyon.

(N\N: Bachelor series 2 chapter thirty one)

“So thank you dahil pinaunlakan mo ang pag imbita ko sayong magkape Smirky” nakangiting sabi nito. Gwapo ang naturang doctor, pero dahil loyal siya sa kanyang irog ay hanggang paghanga lang ang nararamdaman niya sa lalaki. Hindi katulad kay Grin na, effortless na napapatibok ng mabilis ang puso niya.

“Tsk, para mabayaran mo yung binigay kong kape sayo nun” nakaingos na sabi niya.

“Coffee? What coffee?” kunot noong tanong nito.

“Yun ba yung kape na para sana kay Grin Andrano pero hindi tinanggap kaya binigay mo sa akin?” dagdag nito.

“Nadale mo” walang ganang sabi ko. Naalala ko na naman kasi kung paano ako mag papansin nun kay Grin. Nakakahiya kung titignan dahil parang ako pa tong habol ng habol sa kanya, na totoo naman.

“Tsk wag kang sumimangot gan. Ininom naman niya yung ginawa mong kape eh” natigilan ako sa sinabi nito. Kunot noong tumingin ako dito.

“What do you mean ininom niya?” takang tanong ko.

“Tsk pag ka alis mo, iinomin ko na sana yung kapeng ginawa mo pero kinuha yun ni Grin mula sa akin. He said that na para sa kanya yun. Mag po-protesta pa sana ako because your coffee smells good at binigay mo na sa akin pero dahil siya ang boss eh hinayaan ko na lang siyang inumin yung kape na ginawa mo” nalaglag yung panga niya sa nalaman. Akala niya ay hindi nito gusto ang kape niya. Pero ininom pala nito ang unang ginawa niyang kape para dito. Napangiti siya sa nalaman.

“Now you’re smiling like an idiot” muli siyang napatingin sa kaharap.

“H-huh?” maang na tanong niya pero ningitian lang siya nito.

“Sabi ko ang ganda ng ngiti mo. Bagay sayo. “ naramdaman niyang namula ang magkabila niyang pisngi.

“U-um thanks” awkward na sabi ko.

“You must really like him”

“A-anong ibig mong sabihin?” now she can really feel her cheeks burning.

“Oh come on, hindi naman ako huli sa balita nuh, para hindi malaman ang mga ka sweetan na nangyayari sa hospital” narinig niyang tumawa ito. Napakamot na lang siya sa ulo niya.

“Now, this is really embarrassing”

“Embarrassing? Ano namang nakakahiya doon? Grin Andrano likes you, and he confesses that not only in front of you, but also in front of us. “

“Kahit na, kung ikaw kayang asarin kita gan sa isang taong may gusto sayo, diba nakakahiya?”

“Hmm I don’t know. Hindi ko pa naman nararanasan yan eh”

“Tsk maransanan mo na sana”

“Ah if one of these days I will fell in love, I know whose fault it is”

“At kanino naman?” nakataas na kilay na tanong niya.

“You” walang kagatol gatol na sabi nito.

“Bakit naman ako? Paano ko magiging kasalanan yun?” takang tanong niya.

“Because I like you” diretsong sabi nito. Nalaglag ang pangan niya. Ano daw?!

His Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon