Chapter Fourteen

28.5K 502 11
                                    

---

-Smirky-

“Nurse Smirky!” napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Mrs. Ignacio na nakaupo sa Wheelchair, tulak tulak ito ng anak nitong si Trailor at sa tabi naman ni Trail ay ang nakasimangot na si Krisandra.

Natawa ako sa reaksyon ni Krisandra.

“Buti at nakita kita dito hija” nakangiting sabi ni Mrs. Igancio

“Bago ako ma-discharge dito gusto kitang pasalamatan dahil sa ginawa mong pag alaalga sa akin.” Dagdag ng ginang.

“You’re welcome Mrs. Ignacio, besides ginawa ko lang po ng maayos ang trabaho ko It’s my duty to make sure that you are okay and taking care of” ngumiti ako dito.

“Sayang at hindi ka pwede para maging private nurse ko. Pero okay na din. I know I can rely on Krisandra. After all may pinag samahan naman sila ng anak kong si Trail. Okay lang kung mag lampungan sila ng anak ko kahit sa mismong harapan ko pa.”

“Talaga ma?” nakakalokong tanong ni Trail.

“OF course hijo. I kow Krisandra very well. Boto ako sa kanya kung magign girlfriend mo siya” magiliw na sabi ng ginang.

“Narinig mo yun babe?” binalingan ni Trail si Krisan na pulang pula. As in pulang pula ang mukha nito.

“Pwede na daw tayong mag pakasal sabi ni mama!” tinignan ni Krisandra ng masama si Trail

“Haha no way Trailor Igncio! Alam mo na ngang nag bibiro ang mama mo eh!”

“She is serious Krisan, at seryoso din ako” bigla akong natigilan ng mahimigan ang kaseryusuhan sa boses ni Trail. PAti si Krisan ay natigilan.

“Aherm. ANg init namana dito. MAbuti pa siguro kung gumayak na kayo Trail. Para makapag pahinga ang mama mo” basago ko sa awkwardness.

“Ahh sure. Sige alis na kami Smirky” paalam sa akin ni Trail. Nag paalam ulit ako kay Mrs. Ignacio ganun din kay Smirky. Pinanuod ko ang mga ito na umalis.

“Where is Doctor Grin Andrano?” nabaling ang atensyon ko sa babaeng nag salita.  Nakita ko ang isang babaeng sopistikada. Matangkad, maputi at balingkinitan ang katawan. Nakasuot ito ng black halter dress at red stilettos. Naka shade din ito.

Where’s the sun lady?

Napangiti siya sa naisip. Kung maka shade ang babaeng to parang nasa beach ah. Baka nag kamali ata ito ng pinasukan.

“Oh there he is” lumakad ang babae papunta sa likuran niya at nilagpasan siya. Nilingon niya ito at nakita niyang papunta ito sa…

Irog niya.

“Hi baby” napataas siya ng kilay sa ‘endearment’ na itinawag nito sa irog niya.

“I miss you” mas lalo pang tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. But what the woman did after was unexpected. Napasinghap siya ng halikan nito sa labi si Grin!

What the fxck?!

Kita kong maging si Grin ay nagulat sa ginawa ng babae. Natigilan ako.

Sino tong babaeng to? Girlfriend ba ni Grin?

Para namang tinusok ng paulit ulit ang puso niya sa naisip. Walang nababanggit na nobya ang lalaki sa kanya, kung ganun sino ang babaeng to kung makahalik kay Grin ay wagas? Hindi na nahiya ang babae. Pinag titinginan na ‘namin’ sila and she seems don’t mind.

“Kylie what the fxck?!” nagulantang ako ng biglang sumigaw si Grin. Ng tignan ko ito ay galit nag alit ang hitsura nito. Namumula ito sa galit.

His Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon