Chapter Six

36.5K 606 6
                                    

---

-Smirky-

“Good morning Mrs. Ignacio!” bati ko sa isang matandang babae na kasalukuyang nakahiga paupo sa kama. Ningitian naman ako ng pobreng matanda.

“Good morning din sayo Nurse Smirky. Are you here to check on my blood pressure again?” nakangiting tanong ng ginang.

“Nadale niyo Mrs. Ignacio!” kinuha ko na ang kamay nito at kinuha na ang blood pressure nito.

“So how are you feeling Mrs. Ignacio? Feeling better?”

“Yes I am. Magaling mag alaga ang nurse ko eh” sagot nito. Di niya maiwasang mapangiti.

Isang linggo na siyang nag ta-trabaho sa hospital at si Mrs. Ignacio ang una niyang pasyente. Well, nag pupunta lang naman siya sa kwarto nito para i-monitor ang blood pressure nito. Na confine ang ginang dahil sa high blood pressure. Pwede naman na itong umuwi kung gugustuhin pero kailangan muna nitong kumuha ng private nurse nito na bago.

Ka re-resign lang ng nurse private nurse nito at habang walang mahanap na pamalit ay pinag stay ito ng anak niya sa hospital.

“Hello ma”

And speaking of the devil, nandito na ang anak nito. Mukhang maliit talaga ang mundo dahil ang anak nito ay walang iba kundi si Trailor Ignacio.

Naka business attire pa ang lalaki. Loose na ang tie nito at gulo gulo ang buhok. Stress na stress ang hitsura pero napaka gwapo pa din.

Ningitian niya ito

“Hello Sir Trail” nakangiting bati niya dito. Ningitian din naman siya ng binata.

“Hello Smirky. Kamusta ang blood pressure ni mama?”

“Okay naman na. Pwede na siyang ilabas”

“Wala pa akong nahahanap na private nurse niya. Kung i-priprisinta ko naman kay mama ang mga napipili ko ay ayaw niya. I need a person that I can trust to watch over my mom” napa ingos naman si Mrs. Ignacio

“Paano yung mga kinukuha mo eh mga babaeng walang paki alam, malantad lang ang pagnanasa nila sayo” nakasimangot na sagot ng ina nito.

“Ma, wala naman ako sa bahay eh. Kaya hindi nila ako mapag nanasaan” pag sasakay naman ni Trail sa mama nito.

“Kahit na. Paano kung nasa bahay ka na? imbes na ako ang asikasuhin ay baka ikaw pa” sambakol na ang mukha ng ginang.

“Di niyo naman kasi masisisi ang anak niyo Mrs. Ignacio. Gwapo naman kasi tapos macho pa” kinindatan pa niya ang ginang.

“Tama ka naman Nurse Smirky. Nag mana yan sa kanyang ama. Pati pagiging palakero ay namana din.”

“Mama!” protesta ni Trail.

“Pag ikaw narinig ni papa, babagon yun sa hukay niya.” Natawa na lang ang ginang.

“Eh kung si Smirky kaya ang kunin nating private nurse ko, Trail?” natigilan siya sa sinabi ng ginang.

“Ano sa tingin mo hija?” napakagat labi siya. Nakaramdam ng kaba.

“Ahh ehh” napakamot siya sa ulo niya. Napatingin siya sa ginang. Nag susumamo ang mukha nito.

“Tatanungin ko pa muna ang boss ko, ma’am” palusot na lang muna niya.

“Hmm okay. Kaka usapin ko na din si Doc Grin mamaya” sagot ng ginang. Napa mentally face palm siya.

Papayag naman kaya ang kumag na yun?

Bumuntong hininga na lang siya. Lumabas na siya sa kwarto ng ginang at tinungo ang opisina ng napaka sungit na boss niya. Bago yun ay nag timpla muna siya ng kape.  Pag ka timpla niya ay dumiretso na siya sa opisina nito. KUmatok muna siya bago tinulak pabukas yung pinto.

His Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon