Chapter Twenty NIne

27.9K 439 5
                                    

---

-Smirky-

“Are you sure na hindi kayo tutuloy sa Real State?” nakakunot noong tanong ni Gavin kay Grin. Tahimik lang naman na tumango tango si Grin at naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

“Mabilis kaming matutonton ng papa ni Smirky pag umuwi kami doon Gav.”

“I understand” tumingin sa akin si Gavin at tipid itong ngumiti.

“Take care of her then. Mag iingat kayong dalawa” dagdag pa nito.

“We will” tipid na sagot ni Grin. Nag man to man hug pa sila bago hinarap ang mga kapatid at pinsan nito.

“Bro mag iingat kayo huh? Just call us kung kailangan niyo ng tulong” –Drin

“Pwede kayong mag stay sa isa sa mga resort ko Grin” offer naman ni Drei.

“No. Ayaw ko na kayong idamay pa sa gulo na to. I’m thankful at tinulungan niyo ako sa pagtanan kay SMirky”isa isa nitong tinignan ang mga kapatid at pinsan.

“Sus wala yun. Para saan pa at naging magkakapamilya tayo?”-Hawk

“Hay naku bat kaya ang corny nitong kapatid ko? Kalalaking tao! I should be the one saying that Hawk! Not you just ‘yuck’!” pang aalaska na naman ni Raven sa kapatid nito. Nag simula ng mag bangayan ang mag kapatid.

“So see you soon brother?” inilahad ni Gavin ang kamay nito. Tinignan naman muna ito ni Grin bago tinanggap iyon.

“Yeah see you soon”

“HEY wake up” nakaramdam ako ng marahang pag tapik sa pisngi ko. Napipilitan man ay minulat ko na ang mga mata ko. Nasilaw ako sa sinag ng araw kaya agad akong napapikit. Ng sumunod na pag mulat ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Grin.

“Good morning beautiful” he said in his bedroom voice. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napabalikwas ng bangon. Napatingin ako sa paligid ako only to find out na parang nasa gubat kami. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Grin.

“Where the hell are we?!” hindi ko maiwasang mag panic. Sa pagkaka alam ko bago ako ginupo ng antok ay nakasakay kami ng bus ni Grin. We didn’t bother to look where the bus are heading, basta sumakay na lang kami doon. Tapos pag gising ko nandito na kami sa gubat?!

“I don’t know.” Walang ka abog abog na sagot nito. Nilibot ko ulit ang paningin ko sa kagubatan.

“At paano tayo nakapunta sa gubat na to huh Grin Andrano?! sa pagkaka alam ko hindi nakakapasok ang bus dito!” nag kibit balikat lang ulit ito.

“Well binuhat kita papasok sa gubat na to. Pero bago pa kita buhatin papasok dito ay sumakay muna tayo ng tricycle. Sabi ko sa driver na ihatid tayo sa pinaka liblib na lugar sa bayan na to. At sa dito tayo dinala ng driver. Sabi nong driver kung gusto daw talaga nating makapunta sa pinaka liblib na lugar eh akyatin daw natin ang bundok na to. May nakatira daw na ilang mga katutubo sa taas ng bundok. Yun na daw ang pinaka liblib na lugar sa bayan na to” mahabang litanya nito.

Napanganga na lang ako ng mag sink in lahat ng sinabi nito.

“So i-ibig mong sabihin, aakyat tayo ng bundok?! Seryoso ka ba Grin?!” hysterical na tanong ko dito. Marahan na tumango tango ito na parang bored na bored ang hitsura nito. samantalang ako eh ito di makapaniwala sa mga nangyayari sa amin. Kalmadong kalmado ito at parang walang paki alam kung nasaan kami ngayon.

“I told you. Handa akong mamundok, basta kasama lang kita” seryosong sabi nito. I remember that line. Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko iyon.

His Runaway GirlWhere stories live. Discover now