Chapter 19: Lotus Fire

740 78 12
                                    

*Karen's POV*

Nahahapong lumabas ako sa opisina ni Head Master at halos mapabuga ako ng hangin ng isara ko na ng tuluyan ang pinto. 

Parang pumipintig din ang sentido ko sa halos tatlong oras na interrogasyon nila sa akin. 

Ngunit hindi ko rin naman mapigilang mapangiti ng maalala ang itsura nila Head Master kanina bago ako lumabas.

Halatang nagpipigil mainis o magalit sa akin si Head Master sa mga paiwas kong sagot sa kanila.  At maging ang ilang professor halatang sumasakit na ang ulo sa mga isinasagot ko.

Pero kahit gaano pa ang pagpipilit nila ay hindi ko sinabi ang karamihan sa mga naganap sa akin.

Sapat nang malaman nila na niligtas ako  ng dating Source,  at bilang ganti ay tinulungan ko silang solusyunan ang sumpang kumalat sa tribo nila.

Hindi ko nga lang sinabi na may kinalaman ang Nether sa sumpang yun. O maging ang mga Elemental ng Chasm na nakita ko roon.

Hindi ko alam,  pero parang hindi ko ikakabuti pag nalaman nila. 

Baka mamaya maakusahan pa nila ko ng kung ano ano.

Alam ko namang hindi parin nila kami ganap na pinagkakatiwalaan.  Dahil na din sa nakaraan namin.

Isa pa,  hindi rin gustong ipaalam ni Yuri ang mga nangyari sa nakaraan sa kanila,  kaya alam ko na tama lang ang ginawa ko.

Muli akong napabunyong hininga at wala sa loob na naglakad palayo sa opisina ni Head Master.

Bumaba ako ng hagdan at bahagyang nagtaka ng wala akong makasalubong na mga estudyante.

Siguro sabado ngayon?  O linggo?  Ilang araw nga ba kong nawala?

Hindi ko man lang natanong kela Racky o kela Head Master. Pero halos wala din namang pagkakataon dahil matapos akong sumama sa kanila ay narinig ko namang pinabalik ng Dorm ang mga kaibigan ko. 

Siguro doon ko nalang sila pupuntahan at kakausapin.

Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan hanggang sa makarating ako sa tarangkahan ng Administration building.  Iilang warriors din ang nakasalubong at nakita ko sa mga corridor.  Karamihan sa kanila ay napatingin sa akin at tila curious na sinundan ako ng tingin.  Habang ang ilan naman ay sandali lang ako sinulyapan bago nagpatuloy sa paglalakad na parang hindi nila ako kilala. 

Medyo napayuko ako sa atensyong nakukuha ko at binilisan ang lakad ko palabas ng building. 

Pumihit din ako papunta sa House of Lumiere pero nakakailang hakbang palang ako ng biglang umihip ang malakas na hangin.

Sandali akong napatigil sa paglalakad at nilasap ang sariwang hanging sa paligid ko.  Napapikit din ako at pinakinggan ang mga tunog sa paligid ko.

Napangiti ako ng marinig ang pamilyar na tunog at minulat ko ang mga mata ko para tingnan ang pinangagalingan niyon. 

Kusa ding kumilos ang mga paa ko para puntahan iyon.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal naglakad, pero hindi ko alintana yun ng makita ang gubat sa likod ng Administration building.

Nagpatuloy ako at pumasok roon,  malalago at makakapal na halaman ang sumalubong sa akin.

Napangiti ako ng hawakan ang punong malapit sa akin at lalong lumawak ang ngiti ko ng maramdaman agad ang enerhiya doon. 

Enerhiyang kumakatawan sa lakas at buhay nito.

Parang domino na isa isa kong naramdaman ang iba pang enerhiya sa paligid ko.  Na tila ba magkakakabit ang buhay at lakas nila. At nang makarating ako sa gitna ng gubat ay saka ko tuluyang naramdaman ang lakas ng kagubatan.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon