Chapter 15: Twins

586 73 33
                                    

*Karen's POV*

Gaya ni Xiljeon ay matinding kapangyarihan din ang kumawala mula kay Briar.

Kasama nun ang malakas na hanging humampas at muntik ng tumangay sa amin ni Sai. Halos sabay pa kaming napadaing at napaatras.

Inilagay ko sa tapat ng mukha ko ang isang braso ko para harangan ang marahas na hanging pinakakawalan ng dalawa at tiningnan sila.

May nakikita akong berdeng flare sa kanilang dalawa at ramdam ko ang matinding kapangyarihan sa loob nila.

Pero nararamdaman ko din ang pagpipigil nila.  Na tila ba hindi nila gustong ipakita ang totoong kakayahan nila.

Halos mapangiwi ako,  kung ngayon nga lang ay tila mahirap na silang kalaban,  ano pa kaya pag pinakawalan na nila ang totoo nilang kapangyarihan.

"Karen." Narinig kong mahinang tawag ni Sai. Napatingin ako sa kanya at sinubukang lumapit.  "Masyado silang malakas. Kung lalaban tayo at magtatagal ang ganito,  baka hindi kayanin ng kapangyarihan ni Celise na itago ang totoong anyo natin." Pabulong na sabi niya.

Yun din ang inaalala ko.  Well may tiwala naman ako sa kapangyarihan ni Celise na nasa hiyas ni Sai.  Ang mas inaalala ko ay ang natitirang kapangyarihan sa hiyas ko.  Hindi yun lakas ng isang Source kaya hindi ko alam kung gaano katagal bago mawala ang kapangyarihan niyon.

Kailangan kong magmadali.  Dahil kung hindi,  mas malaking problema kung malalantad ang totoong anyo namin.

Muli akong napatingin kay Briar.  Ni hindi man lang siya gumalaw mula sa pwesto niya kanina. Pero kahit ganun ay matinding pagpapahirap na ang ibinibigay niya sa amin.

Idagdag pa si Xiljeon.  Alam kong sa oras na kumilos kami ni Sai ay paniguradong kikilos na din sila para makipaglaban.  At pag nananatili ang ganitong kalakas na hangin ay paniguradong madedehado kami ni Sai.

"Masyado silang malakas. " narinig kong sabi ni Sai.

"Yes.  They are." Wala sa loob na pagsang-ayon ko.  Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling sa akin ni Sai. Pero hindi ko sinalubong ang tingin nya at pinanatili lang kay Briar ang mga mata ko.

Aminado akong malalakas silang Air Controller.  Pero may mas higit at mas makapangyarihan pang Air Controller kesa sa kanila na nakalaban ko na.

Sumingit sa isip ko si Kristine at ang mga naging pagsasanay namin. 

Anong gagawin mo para matalo ako ,Karen?

Umalingawngaw sa isip ko na tanong noon sa akin ni Kristine habang nagsasanay kami.

Air is everywhere. So paano mo ko lalabanan?

Sabi pa niya.

At dahil sa mga salitang yun ay may nabuong idea sa isip ko.

"Sai.  Kaya mo bang maglabas ng Air Bomb?" Tanong ko sa kanya.

Naguluhan man ay tumango pa din siya.  "Kanino mo gustong ibato ko?"

Umiling ako. "Hindi kanino. Kundi saan." Sabi ko at binalingan siya.  Pasemple akong sumenyas sa kanya.  Sandali siyang tila natigilan bago muling tumango bilang tanda na nauunawaan nya ang gusto kong sabihin.

"Ako kay Briar." Simpleng sabi ko.  Hindi naman siya sumagot pero alam ko na malinaw niyang narinig ang sinabi ko.

Nang maramdaman ko siyang nag-ipon ng kapangyarihan ay muli akong humila ng lakas sa sarili kong link.

At ng kumilos si Sai at lumuhod. Ay sabay naming pinakawalan ang lakas sa loob namin.

Naramdaman ko ng ipasa ni Sai sa lupa ang lakas niya. Hindi ko man nakikita ay ramdam ko ang pagsingit ng hangin sa maliliit na bahagi ng lupa.  At ang pagiipon niyon hangang sa pakawalan ni Sai ang lakas at gumawa ng malaking pagsabog sa ilalim ng lupa.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Where stories live. Discover now