Chapter 18: Head Elites

800 81 40
                                    

*Karen's POV*

Ramdam ko ang kakaibang lamig na bumalot sa amin ng buksan ni Sai ang portal.

Halos mapangiti rin ako ng balutin kami ng pamilyar na enerhiya.  Naramdaman kong nawala ang lupang kinatatayuan ko at nahulog kami sa kawalan.  Pero imbes na bumulusok pababa ay agad kong naramdaman ang paghila ng hindi nakikitang pwersa sa katawan namin.

Naramdaman ko din ang paghigpit ng hawak ni Sai.  At ang init na dulot niyon na syang nagpawala ng kabang nararamdaman ko.

Hindi nagtagal ay muli akong nakaramdam ng pwersang bumalot sa amin.  Pero imbes na lamig ay isang pamilyar na init ang pumaligid sa amin.

Ng dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ay agad akong sinalubong ng nakakasilaw na liwanag. 

Agad din akong napapikit at hinarang ang isang kamay ko sa mga mata ko.

Ilang sandali rin bago nasanay ang mga mata ko sa liwanag at ng muli akong magmulat ng mga mata ay nakita ko ang malalagong puno at halama na nakapaligid sa amin. 

Maging si Sai sandali ring natigilan bago nya nilingon ang paligid namin.  Maging ako kinakabahang sinuyod ng tingin ang kagubatan kung nasaan kami.

Anong nangyari?  May mali ba?

Kinakabahang isip ko. Hindi ba dapat diretso kami sa Academy?

"Sai.... " simula ko pero natigilan ako ng halos sabay kaming kumilos at napatingin sa isa't isa. Sa ginawa namin ay halos magbunguan ang mga katawan namin.

Ngayon ko lang din napansin ang lapit namin mula kanina.

Maging sya tila natigilan at tahimik na nakatingin lang sa akin.

"A.. Ahmm... Nakabalik na ba tayo?" Halos pabulong na tanong ko.  Hindi ko alam pero parang biglang nahiya maging ang boses ko. Hindi ko rin magawang ikilos ang katawan ko para lumayo sa kanya.

Sandaling napaawang ang labi nya na waring may sasabihin pero walang lumabas ni isang salita mula roon. Napakurap din siya bago pasimpleng humakbang palayo sa akin. 

Sa pagkilos nya ay saka lang namin naalala ang mga kamay naming nakahawak pa din sa isa't isa.

Halos sabay kaming napatingin doon at ramdam ko ang pag iinit ng mga pisngi ko bago nya mabilis na binitawan ang kamay ko.

"Sorry." Mabilis na paumanhin nya bago siya pasimpleng lumayo ulit sa akin.  "Ahhmm. Oo.  Nakauwe na tayo." Sagot nya maya maya.

Pilit kong kinalma ang mabilis na pagpintig ng puso ko bago ko muli nagsalita.

"Academy na to?" Paninigurado ko pa.

Tumango naman siya at iminuwestra ang  gubat sa kanan nya. 

"Halika." Simpleng salita nya bago tumalikod at nagsimulang maglakad.

Gusto ko pa mang tanungin siya ay nanatili nalang akong tahimik at sumunod sa kanya.

Tutal sinabi naman niya na nasa Academy kami,  kaya maniniwala nalang ako sa kanya.

Habang naglalakad at hinahawi ang makakapal na halaman na nadadaanan namin ay unti unting lumalakas ang pananabik kong makita nag mga kaibigan ko. Ganun din ang kaba sa puso ko.

Nagawa ko nga bang isaayos ang lahat?  O tuluyan kong nabago ang kasalukuyan?

Pasimple akong huminga ng malalim at tahimik na nanalangin na sana ay hindi ako nakapagdulot ng malaking problema sa panahong binalikan ko.

"Nandito na tayo." Pukaw ni Sai sa akin.

Napaangat ang tingin ko mula sa mga halamang hinahawi ko papunta sa kanya. At halos tumigil ang puso ko ng makita ang Academy!

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon