Chapter 16: Caladrius

546 74 36
                                    

*Karen's POV*

I can feel it.

Ang hindi mapantayang lakas ng elemento ng lupa sa bawat himaymay ng katawan ko.

Ramdam ko din ang link sa loob ko, na kumukonekta sa akin mula sa puso nito.

At gamit yun ay direkta kong tinatanggap ang napakalakas na kapangyarihan ng elemento.

Pakiramdam ko pa,  gaya ni Christine,  ay tuluyan na kong nakisanib sa elemento ko.

Napayuko ako sa katawan ko,  at ramdam ko ang pwersang inilalabas ko. 

Dati, namamanipula ko ang gravity sa paligid ko.

Ngayon, pakiramdam ko,  ako na mismo ang Gravity na kayang makaaepkto sa lahat ng bagay na nasa paligid ko.

Para bang...  Ako na mismo ang naging sentro ng buong mundo. 

Nakita kong sinubukang gamitin ni Briar ang hangin nya para kontrahin ako at umatake.  Pero muli akong naglabas ng pwersa at itinulak palayo ang lahat ng bagay mula sa akin.  Kasama na doon ang hangin niya.

Maging ako nagulat ng makitang tila  tinulak ng malakas ng isang hindi nakikitang pader si Briar.  Ganun din ang atake nya. Tumama siya sa hangganan ng Arena at maging ang mga nanonood ay nadamay.  Ang ilan sa kanila ay muntikan pang tumalsik kung hindi lang natulungan ng iba pang slyph na nanonood sa laban.

Ang iba pa nga ay nakita kong magkakasamang gumawa ng harang para pigilan ang atake ko. 

Karen!

Babala ni Sai. Kasabay nun ay naramdaman ko ang pagkilos ni Xiljeon sa likod ko.

Ginamit nya ang hanging tigre nya at sinubukan akong atakihin pero muli lang akong naglabas ng pwersa bilang depensa.

At gaya ni Briar ay nakita kong malakas na tinulak ng kapangyarihang nilabas ko ang Creature at si Xiljeon sa kabilang dulo ng Arena. 

Nothing can't touch me now.

Maging ang  direksyon ng hangin ay kaya kong manipulahin palayo sa akin.

Sandali kong binawi ang kapangyarihan ko at nakita ko ng halos sabay sabay na bumagsak ang ilang bato at bagay sa lupa na animo nawala ang bagay na humahawak sa mga ito. 

Maging sila Briar at ilang manonood sa harap ko ay napaluhod sa lupa at hirap na kumilos patayo.

Nakita ko pang tila hinihingal ang iba at hinahabol ang hininga nila. 

Maging si Briar ay ganun din.  Pero mas mabilis siyang nakabawi at seryosong hinarap ko.

Sinalubong ko ang mga mata niya at sinubukang hulaan ang iniisip niya.

Hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin ng muli niyang gamitin ang kapangyarihan niya at nag-ipon ng hangin sa paligid niya.

Pinaikutan siya nito hanggang sa tila may manipis na ipu-ipo ng bumalot sa kanya.

Imbes na kabahan ay napangiti ako.
Dahan dahan kong itinaas ang isang kamay ko sa gilid ko kapantay ng balikat ko. Pagkatapos ay ikunuyom ang kamay ko para itago ang susunod na atake ko.

Pinapunta ko doon ang kapangyarihan ko at binaliktad ang pwersang ginamit ko kanina.

Naramdaman ko ang pagbuo ng Gravity ball sa loob ng nakakuyom na kamay ko. At ang paghilan at pagpapaikot nito sa hangin sa paligid ko.

Nakita kong napakunot ang noo ni Briar ng makitang umikot ang hangin sa nakakuyom na kamay ko, hanggang di nagtagal  ay napaikutan na din ako ng malakas na hangin gaya niya. 

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon