Chapter 3: Source

655 77 14
                                    

*Karen's POV*

Babaylan. Yun ang tinawag sakin ni Lionel.

Parang... shaman? Yung gumagawa ng kung ano anong ritwal?

Sabagay, sa mga panahong to ang sinumang magpakita ng kakaibang kapangyarihan ay pwede ngang matawag na babaylan. Hindi pa ata uso ang salitang "Elemental". Pero sa tingin ko iisa lang ang dalawang yun.

"Nandito na tayo." Pukaw ni Lionel sa akin. Nakaupo siya sa harap at halos wala kong makita dahil sa laki ng katawan nyang nakaharang sa akin. Kinailangan ko pang bumalanse mula sa pagkakaupo sa likod ng kabayo at sumilip sa gilid nya para makita ang sinasabi niya.

Napakurap ako at tiningala ang napakataas na harang di kalayuan sa amin. Gawa iyon ng mga pinagsama samang malalaking katawan ng puno at mahigit sampung talampakan ata ang taas.

May mga nakita rin akong pigura ng tao sa taas niyon. Ngunit mabilis din silang nawala na para bang tumalon sila sa likod ng pinto ng makita kami.

Napatingin ako sa magkabilang dulo ng harang at nakita ang matataas na tipak ng lupa. Para yung lambak na hinarangan ang gitna bilang pinto sa daanan o lagusan.

Nagpatuloy ang grupo namin sa pag-abante. At medyo napapitlag ako ng marinig ang unti unting pagbukas ng pinto na naroon.

Manghang tiningnan ko ang tanawing unti unti nitong ipinapakita sa amin. At halos mapangiti ako ng mabilis na tumakbo habang tumatahol ang mga lobo papasok doon. May mga tao sa magkabilang gilid ng pinto at nakita ko ng nakangiti nilang salubungin ang grupo namin.

Ngunit agad ding napapalitan iyon ng pagtataka  sa tuwing mababaling sa akin ang mga mata nila.

Tulad ni Lionel nung una nila kong makita, tumaas baba din ang mga mata nila sa kabuuan ko. At ramdam ko ang pagkalito nila sa nakikitang suot ko.

Parang gusto kong yumuko sa paraan nila ng pagtingin sa akin. Pero tinatagan ko ang sarili ko at mas inayos ang pagkakaupo ko.

Sa una magkabilang pader lang ng bato ang nakikita ko. Pero di nagtagal ay nawala yun at pumasok ang grupo namin sa isang malawak na kapatagan na napapaligiran ng matatataas na bato.

Halos mapanganga ako ng makita ang isang sibilisasyon na namumuhay sa loob nito.

Marami akong nakikitang maliliit na kubo at mga alagang hayop. Ganun din ang mga pananim na palay, gulay at iba pa. May pailan ilang puno sa gilid at napakaraming tao .

Pero sa kabila ng bilang ng mga namumuhay dito ay nanatiling maluwag ang lugar.

Santuary. Iyon lang ang pumasok sa isip ko para isalarawan ang lugar.

Sa pagkamangha ko, hindi ko namalayang tumigil na ang kabayong sinsakyan namin ni Lionel. Napakurap nalang ako ng marahang alisin ni Lionel ang mga kamay ko sa baywang nya at maingat na bumaba.

Pagkatapos ay tumingala siya sa akin at bahagyang hinila ang kamay ko. Pumihit ako paharap sa kanya at inilagay naman niya sa baywang ko ang mga kamay niya para alalayan akong bumaba. Naihawak ko din ang nga kamay ko sa balikat nya at agad kong naramdaman ang kapangyarihan ng lupa sa loob niya.

Weird. Dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganun. Dati rati kasi hindi ko naman nararamdaman ang enerhiya ng elemento ko sa mga kapwa ko elemental. Unless ginagamit ko ang kakaibang kakayahan naming mga Source. Pero ngayon...

Nahinto ako sa pagiisip ng maingat nya kong hilahin pababa. Medyo nakaramdam ako ng pangangalay sa mga binti ko ng tumapak ang mga paa ko sa lupa. Pero hindi naman ganun kasama at kaya naman indahin.

Ng bitwaan ako ni Lionel ay saka ko narinig ang mga singhap ng ilang taong nakalapit sa amin. Agad na bumaling ang mga mata ko sa kanila pero kumunot ang noo ko ng makitang wala sa akin ng mga atensyon nila.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon