Chapter 4: Consequences

657 80 11
                                    

*Karens's POV*

"Paano nangyari to?" Naguguluhang tanong ni Yuri habang nakatingin pa din sa mga mata ko. 

Ilang beses din nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at sa babae.

Huminga muna ko ng malalim habang nagiisip  kung paano maipapaliwaang sa kanila kung sino ako ng hindi magrereveal ng mga bagay na mangyayari palang sa hinaharap. Pero kahit anong isip ko ay wala akong maapuhap na magandang paliwanag.

"Gusto kong ipaliwanag ang lahat. Pero.... " nahihirapang simula ko at tumingin sa babae.  "Hindi maari. Hindi ko masasabi sa inyo ang lahat lahat.  Pero sana maniwala kayo na hindi ako kalaban. Kailangan ko lang ng tulong nyo...."

"Tulong saan? "Mahinang tanong ng babae.

"Para makabalik ako sa....  Tirahan ko. " sabi ko at bahagyang napangiwi. Ang hirap naman humingi ng tulong kung iilan lang ang mga bagay na pwede kong ireveal sa kanila. 

May magyayari kaya kung sabihin ko na galing ako sa hinaharap?  Pero kung hindi ko naman sasabihin paano naman nila ko matutulungan?

Napabuntong hininga ulit ako.  Alam ko na kailangan kong sumugal.  Yun ay kung gusto ko pang makabalik sa panahon ko.

Pero sana lang ay hindi masyadong magalaw ang hinaharap sa gagawing pag-amin ko.

Diretso kong sinalubong ang mata ng babae at nagsimulang magpaliwanag.

"Gaya ng nakikita mo.  Kagaya mo ko.  Alam kong mukhang imposible.  Pero yun ng totoo.  Ikaw at ako ay magkaparehong pinili ng elemento ng lupa. Pero.... " I hesitated. At ng wala akong makita sa mga mata ng babae na pagdududa ay nagawa kong magpatuloy. "...sa ibang panahon." Pagtatapos ko.

Nakita ko ang pagbahid ng pagkalito sa mukha niya, maging kay Lionel.  At kahit hindi ko lingunin si Yuri ay alam kong ganun din ang makikita kong reaksyon niya. 

At bago pa man sila makapagtanong ay nagpatuloy ako.

"Galing ako sa hinaharap." Sabi ko na halatang kinabigla nila.  "Ngunit hindi ko alam kung gaano kalayo mula sa panahong ito." Mabilis na dagdag ko.  "Gaya ninyo... May kinakaharap din kaming mga kalaban.  At habang tinutulungan ang kaibigan namin ay napahiwalay ako at napunta sa panahong to.  Kailangan ko lang ng tulong niyo para makabalik."

Sandaling binalot kami ng katahimikan pagkatapos kong magpaliwanag.  At ng ilang sandali na ang lumipas ay saka nagsalita si Yuri.

"Kung kagaya ka ni Iliyah," simula niya na kinalingon naming lahat sa kanya. "Dapat ay ako ang spirit mo." Nagdududang sabi pa niya.

Napangiti ako ng malungkot at hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi niya. 

Kung pinili nya kaya ako sa panahon ko bilang vessel nya.  Mababago kaya kung ano ako?

Pero agad ko ding kinontra ang sarili ko. 

Kahit siguro ako ang piliin nya,  hindi na mababago nun kung ano ako.

"May mga pangyayari sa hinaharap na makakapagpabago nun,  gusto ko mang sabihin ay hindi maaari.  Hindi ko pwedeng isugal ng ganun ang panahon ko. At alam ko na bilang spirit ay alam mo ang sinasabi ko.  Ano mang sabihin ko ay may impact sa hinaharap. Isang malaking sugal na ang ginagawa kong pag-amin sa inyo sa kung sino ako.  Hindi ko na pwede pang dagdagan."

Sandaling tiningnan nya lang ako.  Waring inaalam ang mga katotohanan sa mga sinabi ko.  Maya maya ay bahagya siyang tumango. 

"Naiintindihan ko." Sa wakas ay sabi niya. Bagay na kingaan ng bahagya ng dibdib ko.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ