Chapter 13: Tears

500 72 22
                                    

*Karen's POV*

Halos sabay tumapak ang mga paa namin sa lupa ng lumapag kami sa isla.

Hindi rin nag aksaya ng oras ang babaeng Sylph na may hawak sa akin at hinatak ako papunta sa kalsadang nasa harap namin. 

Pero imbes na bato ay malambot na damo ang naroon. 

Para ka lang naglalakad sa isang magandang hardin.  Dahil na din sa kakaibang istraktura ng mga bahay at mga namumulaklak na halaman sa gilid ng daan. 

Gaya ng siyudad na una kong nakita sa kabilang isla ang isang ito.  Pero di hamak na mas malaki ito.  Marami din akong ibon na nakita at iba pang lumilipad na insekto kasama na ang mga paru paro.

Syempre hindi rin nawala ang ibat ibang uri ng Sylph. 

Dahil na din sa presensya nila ay itinigil ko na ang pagsusubok kong makawala sa babae. Para hindi kami makatawag ng atensyon.

"Hindi ako magaling lumaban." Sabi ko pa sa kanya.

Agad siyang napatigil sa paghila sa akin at  hinarap ako. "Huh?  Kung ganun ay paano mo makukuha ang Caladrius?" Kunot noong tanong niya.

Nagkibit balikat ako.  "Hanapin sya ng patago at kunin?" Patanong na sagot ko.  "Pero ibabalik ko din sya agad bago pa man malaman ng Hari na nawawala siya." Mabilis na dagdag ko ng makita kong napauwang ang labi ng babae sa sinabi ko.

"Hindi pwede." Sabi niya at ako naman ang napakunot ang noo.

"Bakit hindi?" Takang tanong ko.  "I mean... Alam kong bawal ang basta nalang siya kunin ng hindi nagpapaalam.  Pero importante naman ang dahilan ko.  At ibabalik ko din siya." Paliwanag ko pa.

Tila namoblema ang babaeng Sylph.  Kitang kita ko sa kanya ang kagustuhan nyang tumulong sa akin. 

Maya maya ay tumingin siya sa paligid namin bago tumabi sa akin at umabreseta.  Nagsimula din siyang maglakad at dahil nakakapit siya sa isang braso ko ay napilitan din akong sumabay sa kanya.

"Hindi ordinaryong Sylph ang Caladrius." Mahinang sabi niya sa akin.  Pansin ko na pasimple nyang tinitingnan ang mga nilalang na malapit sa amin,  na waring ayaw nyang iparinig ang ano mang sasabihin niya. "Itinuturing siyang kayamanan ng Eerie. Kaya mahigpit ang pagbabantay sa kanya.  Kapag sinubukan mo syang ilabas sa kaharian ay paniguradong agad na malalaman iyon ng Hari.  Kahit ano pang kapangyarihan o inkantasyon ang ibalot mo sa kanya." Sabi nya na bahagyang kinatigil ko. Malaking problema nga pag nagkataon. 

Oo at kaya naming makakawala kela Briar. Pero ibang usapan na pag buong pwersa ng Eerie ang hahabol sa amin.

Nagpatuloy sa pagalakad ang babae  at kinailangan pa niya kong hilahin ng bahagya para makapagpatuloy kami.

"Iisang paraan lang para masama mo ang Caladrius sa ibaba.  Iyon ay ang kunin ang permiso ng hari.  Pag ikaw ang nanalo sa Aestryd ay maaari mong hingin bilang gantimpala ang tulong ng Caladrius.  Pero kung hindi ka magaling makipaglaban...." Sabi nya at nagbuntong hininga.  "Imposibleng matalo mo ang mga makakalaban mo." And then,  imposible ding manalo ako at makuha ang permiso ng hari.

Napahinga ako ng malalim. 

Kung hindi ako sasali at mananalo sa laban,  isang paraan pa ay ang sabihin ko ang katotohanan sa sarili ko para mapapayag ang hari.  Pero ibig sabihin lang nun ay isa nanamang kasalanan at paglabag sa oras. 

Nagdesisyon na kong itatama ang mga mali ko at hindi na dadagdag sa mga problema namin ngayon. 

Kaya iisang paraan nalang ang natitira para gawin ko. 

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon