Chapter 6: Possibilities

516 73 11
                                    

*Karen's POV*

Ilang minuto din ang lumipas habang kabadong pinapanood ko ang manggagamot sa ginagawa nito para mapagaling si Sai. 

Hindi siya gaya namin at wala akong nakikitang flare sa kanya tanda ng pagiging elemental.  Pero puno ng kasiguraduhan ang mga kilos niya. At hindi ko nakikitaan ng pag-aalinlangan ang mga kamay niya.

Maingat nilang hinubad ang pangtaas na damit ni Sai at halos mapasinghap ako ng ipakita nila ang may kahabaang sugat niya. 

Base sa itsura nun ay masasabi kong dahil iyon sa talim ng espada.

Naglabas  ng kandila ang manggagamot at ganun din ng isang punyal.  Sandaling may ibinuhos siya sa sugat ni Sai bago ko nakitang pinainitan niya sa apoy ang talim ng punyal.

Ng maintindihan ko ang gagawin nya ay nag-iwas ako ng tingin at napapikit. 

"Mas mabuting sa labas ka muna." Narinig kong sabi sa akin ni Iliyah.  Napansin nya siguro ang naging reaksyon ko.

Umiling ako ng bumaling sa kanya.  Pilit kong itinutuon ang mga mata ko sa kanya at iniignora ang ginagawa ng manggamot.

"Dito lang ako." Determinadong sabi ko.

"Siya lang ang manggamot namin dito sa ngayon." Sabi ng kung sino sa likod ko.  Ng bumaling ako dun ay nakita ko ang lalaking tumatayong pinuno ng tribo.  Nakapasok na din pala siya at nasa gilid ng pinto. "Lahat ng babaylang may kakayahang manggamot ay nasa ibaba at tumutulong sa mga katribo naming kinapitan ng sumpa. At wala ng oras para sunduin sila ngayon.  Tanging ang mga ordinaryong manggamot ang naiwan dito. Pero huwag kang mag-alala dahil bihasa siya sa panggagamot ng mga ganyang uri ng sugat. Magiging maayos lang ang....." Sabi niya at tumingin kay Sai. Nakita kong napatingin din sya sa damit na nasa gilid na ng kama".... Kaibigan mo." Pagtatapos niya

Napalunok ako ng makita ang bahagyang pagkunot ng noo niya.  Na waring iniintindi ang kakaibang nakikita niya.  Nagpapasalamat lang din ako na hindi siya nagsalita o nagtanong man lang patungkol kay Sai.

"Salamat." Sabi ko at napabaling kay Sai ng marinig kong bahagya siyang napadaing. 

Nakita kong idinampi ng manggagamot ang punyal sa sugat nya at parang gusto kong maiyak ng makaamoy ako ng nasusunog na laman.

Muling dumaing si Sai at kahit pa nakapikit siya ay kitang kita ko ang sakit sa mukha niya.

Hindi ko na mapigilang lapitan siya.  Umupo ako sa bandang uluhan nya at hinaplos ang buhok nya.

"Shh... It's ok.  Konting tiis lang... " bulong ko sa kanya.  Hindi ko alam kung maririnig nya ko dahil sa epekto ng gamot kaya hinawakan ko ang balikat niya at bahagya iyong pinisil para iparamdam sa kanya ang presensya ko.  Gusto kong bigyan sya ng lakas,  pero hindi naman maari.  Bukod sa magkaiba kami ng elemento ay may bahid ng Nether ang kapangyarihan ko. Hindi ko pwedeng ipagsapalaran ang pagpapasa ng kapangyarihan sa kanya.

Sapat ng nanganganib sya ngayon dahil sa akin.  Dahil sa paghahanap niya at pagtatangkang ibalik ako sa panahon namin. Hindi ko na gustong pahirapan pa siya.

Ilang minuto din ang lumipas at sa bawat daing ni Sai sa pagdampi ng mainit na punyal ay parang literal ko ding nararamdaman ang sakit na ibinibigay nun sa kanya.

Parang hindi ako nakahinga hanggang sa nakita kong nililinis nalang ng manggagamot ang sugat niya.  Wala ng dugong umaagos doon. 

"Masuwerte ang kaibigan mo at hindi malalim ang sugat gaya ng inakala natin. Walang natamaang malalaking ugat sa loob.  Ganun din ang mga lamang loob niya.  Ipapatawag ko ang isa sa mga manggagamot sa ibaba para tuluyang paghilumin ang sugat nya. Sa ngayon ay iipekto pa ang gamot sa kanya at makakatulog siya.  Kailangan nya ng mahaba habang pahinga. Hindi rin biro ang dugong nawala sa kanya." Paliwanag pa nito

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) On viuen les histories. Descobreix ara