Chapter 21: Request

825 78 25
                                    

*Karen's POV*

"Ayus ka lang Karen?"

Wala sa loob akong napatingin sa nagsalita at nakita si Racky na nakaupo sa silyang katabi ko.  Kasama namin si Avon na nag-aagahan sa Cafeteria,  at gaya nya ay kunot noong nakatingin din si Avon sa akin.

"Huh?" Nausal ko pa.

Sandaling tiningnan lang ako nila Racky bago sila halos sabay na nagbuntong hininga.

"Come on.  Sabihin mo sa amin ang problema." May pag-aalalang udyok pa nya sa akin.

"Huh?" Parang sirang plakang ulit ko.  Maging ako parang gustong batukan ang sarili ko.  Ano ba kasing nangyayari sa akin?.

"Kanina ka pa tulala. Tapos ang tahimik mo pa.  May nangyari ba sayo na hindi namin alam?" Hindi mapigilang tanong na din ni Avon.

Umawang ng bahagya ang labi ko para magsalita pero natigilan din ako ng walang maapuhap ang isip ko.

Sa sobrang dami kasi ng iniisip ko ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

Muli kong itinikom ang bibig ko at nagbuntong hininga.  Pagkatapos ay tinignan ang mga kaibigan ko.

Pareho naman silang tahimik na naghihintay na magsalita ako.

Pero imbes na sagutin ang mga tanong nila o magkwento sa mga nangyari sa akin ay iniwas ko sandali ang tingin ko at sinuyod ng tingin ang Cafeteria.

Medyo marami-rami nang estudyante ang nag-aagahan.  At maging ang ilang warriors ay nasa loob na din at nakikihalubilo sa amin.

Kahit gustuhin ko mang magkwento agad agad ay alam kong hindi ito ang tamang lugar para magsalita ako.

Muli akong tumingin sa mga kaibigan ko.  Matiyaga naman silang naghintay sa akin.

"Not here.  Doon tayo sa walang tao." Halos pabulong na sabi ko sa kanila.

Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Avon,  habang lalong kumunot naman ang noo ni Racky. 

Pero mabilis din napalitan ng kaseryosohan ang ekspresyon nila ng mapagtanto ang sasabihin ko.

Pareho silang bahagyang tumango bago tahimik na tumayo at dinampot ang plato at baso nila.  Maging ako tumayo na din at kinuha ang pinagkainan ko at sabay sabay kaming pumunta sa sulok para iwan sa mesang nandoon ang mga plato at baso namin.

Ng matapos ay sabay sabay kaming lumakad palabas ng Cafeteria.

"Saan tayo pupunta?" Mahinang tanong ni Racky ng huminto kami ilang metro ang layo mula sa pinto Cafeteria.

"Hmm... Mas maganda kung makakasama din natin sila Kristine at Noly." Nasabi ko.

Sandali kaming natahimik para mag-isip ng angkop na lugar.  Ng lumipas ang ilang sandali ay nagsalita si Avon.

"Tara!  May alam akong lugar." Sabi niya at magsimulang maglakad

Nagtatakang sinundan naman namin siya.

"Pero sila Kristine.... " simula ni Racky pero natigilan siya ng magsalita si Avon.

"Papunta na din sila dun."

"Huh?  Paano mo naman nalaman? " tanong ni Racky.  "At paano nila nalaman na magkikita tayo?"

Napatingin ako kay Avon at nakita ko ng bahagyang natensyon ang mga balikat niya. 

"Ah... Eh.... " subok nya at sandaling nilingon si Racky.  Pagkatapos ay napabaling siya sa akin bago muling hinarap ang daan at nagpatuloy sa paglalakad.  "Nakalimutan kong sabihin sa inyo na nag-usap kami ni Noly kahapon.  Oo!  Tama! Nag-usap kami! Magkikita kasi kami ngayon." Sabi pa niya.  Pero halatang hala naman na nagsisinungaling siya.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Where stories live. Discover now