Chapter 17: Cure

554 77 16
                                    

*Karen's POV*

"Ano ang hinihintay natin?" Baling ni Elle sa akin. 

Nakaupo siya sa may kalakihang bato malapit sa kinatatayuan ko.  Habang si Sai naman ay nakasandal sa punong kaharap namin.

"Hmm... Mas tama sigurong gamitin ang 'sino',  kumpara sa 'ano' dyan sa tanong mo?" Sabi ko at bahagya siyang nginitian.

Nakita ko ng sandali siyang natigilan bago bumaling kay Sai at muling tumingin sa akin.

"Sino?  Ibig sabihin may kasama pa kayo.?" Curios na tanong niya.

Nag-aalangan akong tumango sa kanya. "Oo."

"Sino? " tanong naman nya.

"Ako." Sagot ng pamilyar na boses.  Napabaling kami sa pinanggalingan nun at nakita si Celise na naglalakad palapit sa amin mula sa loob ng gubat.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ng tumayo si Elle mula sa pagkakaupo nya at hinarap ang bagong dating.

Nakita ko din ng curious nyang pinasadahan ng tingin si Celise. 

"Sino ka?" Direktang tanong pa ni Elle.

Huminto naman si Celise ilang hakbang mula sa amin at tingnan din si Elle ng mabuti.  Pagkatapos ay ngumiti siya.

Pare parehas pa din kaming nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga hiyas niya,  kaya animo Fey pa din ang mga itsura namin.

"Paumanhin. Gustuhin ko mang magpakilala  ngunit hindi maari.  Marahil sa ibang pagkakataon at panahon ay masasabi ko sa sayo ang pangalan ko. " Sabi pa niya.

Kumunot ang noo ni Elle sa sinabi ni Celise ngunit hindi naman na siya nagtanong ulit at nakakaunawang tumango nalang. 

"Naiintindihan ko." Mahina pang sabi ni Elle.

Muling ngumiti sa kanya si Celise bago bumaling kay Sai.

Umalis naman na si Sai sa pagkakasandal niya sa puno at lumapit sa amin. 

"Kailangan nating bumalik kung saan tayo nagsimula." Sabi ni Celise sa kanya.

Tumango si Sai at nagpatiunang maglakad.  Sumunod naman kami sa kanya hanggang marating ang gilid ng lumulutang na isla.

Pagkatapos ay bumaling siya kay Elle.

"Sumunod ka lang sa amin." Sabi niya at ng tumango si Elle ay muli nyang tiningnan ang ibaba ng isla.

Naramdaman ko ng magipon siya ng kapangyarihan at tawagin ang hangin.

Agad kong naramdaman ang haplos niyon sa balat ko hanggang sa kumapal iyon ng kumapal.

"Ready?" Tanong sa amin ni Sai.

Tatlo kaming tumango nila Celise at pagkatapos ay unang tumalon si Sai pababa.

Agad naman kaming sumunod na tatlos sa kanya.  Naramdaman ko agad ang pagikot at pagbuhat sa akin ng hangin at kahit mabilis kaming bumubulusok pababa ay ramdam ko ang proteksyon ng kapangyarihan ni Sai. 

Muli naming nakita ang mga kakaibang ipu-ipo sa ibaba.  At ang nagiisang lagusan palabas.

Doon lumipad si Sai habang nakasunod kami.

Bahagya pa kong kinabahang habang palapit kami ng palapit sa lagusan.  At halos pigilan ko ang hininga ko ng tuluyan kaming pumasok doon.

Naramdaman ko ang kakaibang lakas na dumaan sa katawan ko na tila di nakikitang harang.  Pero mabilis lang din yung nawala nang tuluyan kaming makatawid sa kabila.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon