Chapter 14: Aestryd

491 72 27
                                    

*Karen's POV*

Muli kong tiningnan si Sai mula sa balkonahe kung nasaan ako.

Nakasandal pa din siya sa pader at tila kalmado lang na nag-aabang sa pagsisimula ng laban.  Hindi nya alintana ang ilang mandirigmang kasama nya. At maging sina Briar at Xiljeon ay hindi man lang nya binabalingan na parang hindi pa niya nakilala kahit kailan ang dalawa.

Hindi ko man gustong aminin pero kitang kita na mahusay sya sa ginagawa nyang pagpapanggap.

Hindi pa sya bumabaling sa gawi ko.  Kaya hindi pa nya ko nakikita sa kinalalagyan ko.  At lalong hindi pa nya alam na isa ko sa makakalaban nya.

Nawala ang atensyon ko sa kanya ng muling umalingawngaw sa ere ang tunong ng trumpeta.

Lahat ng nasa arena ay natahimik at bumaling sa gawi ng Hari.

Ng matapos ang tunog ay tumayo si Haring Eurus at lumapit sa hangganan ng Dais.

Saglit nyang pinasadahan ng tingin ang Arena at kaming mga kalahok sa laban.

Kinakabahang nagyuko ako ng ulo ng dumaan sa akin ang tingin nya.

At ng maramdaman kong nakalagpas ako sa mapanuring mata nya ay saka ako muling nag-angat ng tingin sa kanya.

"Mga minamahal kong mamayan ng Eerie,  masaya kong makasama kayo muli sa pagdiriwang ng Aestryd.  Muli ay masasaksihan natin ang galing at natatanging abilidad ng pinakamahuhusay nating mga mandirigma. At sa pagtatapos ng laban ay sama sama din nating bigyan ng parangal ang natatanging Sylph na tatanghaling kampiyon ng paligsahan. " pabungad na talumpati niya.

At nakakabingin hiyawan at palakpakan ang ibinigay na tugon sa kanya ng mga nasasakupan nyang Sylph.

Parang lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa antisipasyon at excitement na naramdaman ko sa paligid.

"Elle,  paano ko nga pala malalaman kung sino ang makakalaban ko sa kanila?" Bulong ko ng lumapit ako sa kanya.

Inalis ni Elle ang tingin nya mula sa hari at bumaling sa akin. Nakita ko ng mawala ang ngiti nya at mapalitan ng pagkalito.

"Huh?" Tila naguguluhang usal nya.

Bahagya pa kong dumikit sa kanya para marinig niya ko sa kabila ng ingay ng paligid.

"Ang kalaban ko,  paano ko malalaman sino ang mauuna sa kanila? " pagkaklaro ko.

Lalong kumunot ang noo niya.

"Yun ba? Ahhmm..  Lahat kayo ay maglalaban laban sa arena. Nasa sayo kung sino ang gusto mong unahin sa kanila." Sagot nya na kinatigil ata saglit ng puso ko.

"What?" Di makapaniwalang usal ko.

"Warriors." Umalingawngaw  na tawag ng hari.

Mabilis akong bumaling sa kanya at nakita na ilan sa mga mandirigma mula sa ibat ibang balkonahe ay mabilis na kumilos at lumipad pababa ng Arena. 

Lumapag sila sa ibat ibang panig niyon ngunit lahat sila nakaharap at nakatingala sa Dais.

"Ano pang hinihintay mo bumaba ka na." Pagmamadali sa akin ni Elle.  Marahan pa nyang itinulak ang balikat ko.

Wala sa loob na pumunta ko sa gilid ng balkonahe. 

Habang ang ibang mga kasama ko ay isa isa ng bumababa at pumipili ng pwesto nila sa Arena.

Pansin ko din na nag-iiwan sila ng ilang distansya mula sa mga kalaban sa paligid nila.  Marahil bilang paghahanda.

Sabagay kung talagang Battle Royale ang mangyayari ay mas mabuti ng may sapat na layo din ako sa mga kalaban ko.  Para hindi nila ko agad maatake at may tyansa pa kong makailag.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Where stories live. Discover now