Chapter 20: Soul Whisperer

766 81 34
                                    

*Karen's POV*

Cold.  So cold....

Naramdaman ko ang paggapang ng lamig mula sa balat ko papunta sa pinakaloob ng katawan ko.

Na waring sumasama yun pati sa daloy ng dugo ko at pinagyeyelo ang mga ugat at anumang madaanan nito.

Karen!  Focus!

Narinig kong sabi ni Eu.  Pero tila ang layo layo niya sa akin. At habang patagal ng patagal,  habang palamig ng palamig ang katawan ko ay unti unting humihina pa ang boses nya.

Then nagsimula maging manhid ang pakiramdam ko.  Na parang sa sobrang lamig ay hindi ko na magawang maramdaman ang katawan ko.

Pamilyar ang nangyayaring ito sa akin,  pero kahit anong pilit ko ay tila ayaw ng gumana ng utak ko.

Idinilat ko ang mga mata ko at sa kabila ng kadilimang bumabalot sa akin ay nakita ko ang mga kadenang nakapaikot sa akin.  Para silang gumawa ng isang bolang promoprotekta sa akin. 

Rinig ko ang pagkilos nila at ramdam ko ang lakas na unti unting kinukuha nila. 

Kinukuha?  Saan?

Saka may imaheng sandaling lumitaw sa isip ko,  apoy,  matinding apoy.

At alam kong kailangan kong talunin yun. 

Itinaas ko ang mga kamay ko at naramdaman ko ang pag-ipon ng pwersa doon.  Ganun din ang paglabas ng mga sandata sa mga palad ko. 

Kill them.

Bulong ng kung sino sa akin. Kasabay nun ang pagkahawi ng kadiliman sa harap ko. 

Then I saw them.  Dalawang lalaki.

Sino nga sila?

Sinubukan kong alalahanin pero tila may humaharang sa isip at mga ala-ala ko.

Naramdaman kong kumilos ang katawan ko at ng subukan kong huminto ay ayaw naman sumunod ng mga paa ko.

Kill.

Tila bulong sa tengga ko.

"There she is." Sabi ng lalaking nakaitim. Bahagyang nakaismid siya pero kitang kita ko ang kaseryosohan sa mga mata niya.

"Karen." Malumanay na sabi ng lalaking nakaputi.  "Control yourself."

Ako ba ang inuutasan nya?

Sabi ko sa isip at naramdaman kong umusbong ang galit sa loob ko.  Kasabay nun ang pagsabog at paglaganap ng itim na usok sa paligid.  Maging ang mga kadena ay kumalat sa ibat ibang direksyon. 

Muli kong naramdamang ang paghigop nito ng enerhiya sa paligid ko. Kasabay ng pagtindi ng lamig sa loob ko.

"Karen!" Mariing tawag ng lalaking nakaputi. "Stop!." Mariing sabi pa niya.

Naramdaman kong kumilos ang mga labi ko at ngumiti sa kanya. Pero walang saya akong nararamdaman sa loob ko. Nagpatuloy ang mga paa ko sa paglapit sa kanila.

Maingat na humakbang naman sila paatras at palayo sa akin.

"She can't hear you.  Can't you see that." Baling ng nakaitim sa kasama nya pero mabilis din niyang ibinalik sa akin ang mga mata niya.  "Totoo nga ang sinabi nila.  She can't control herself."

"At sino sa tingin mo ang may kasalanan nun?" Matalim ang matang baling ng nakaputi sa nagsalita.

Nagkibit balikat naman ang isa.

"You can't blame me.  Sumusunod lang ako sa plano."

"Wala sa plano ang ginawa mo." Mahinang sabi ng nakaputi.  "Hindi pa siya handa." Dagdag pa niya at bumaling sa akin."Stop this, Karen.  Control yourself." Ulit nya.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Место, где живут истории. Откройте их для себя