Chapter 9.1

1.3K 36 8
                                    

CHAPTER NINE - 1

*VINCE PAOLO'S POV

Tila nakalimutan na ata ako ng author ah. Na miss nyo ba ako? Kung ganon eh di okay. Hehehe =D Mga ilang chapters din na hindi na ako nakapag paramdam sa inyo kaya ngayon lulubusin ko, pa hug nga mga guys.

Kakatapos lang ng aming klase sa major subject namin, ako nalang ang na iwan mag-isa dito dahil sa inyos ko pa ang mga gamit ko. Palabas na sana ako ng laboratory kung saan may ini-examine kaming isang unggoy kanina ng bigla may babaeng sumulpot sa may pintuan. Nakayuko at hinihingal, hawak hawak pa ng kanang kamay nya ang kanyang dibdib.

"Vi... Vince" sabi nya at inangat ang kanyang ulo para tingnan ako. It is Celeine, sino pa ba? eh sya lang naman ang habol ng habol sa akin.

"What is it this time Celeine? I'm not in the mood to play hide and seek with you" oo palagi nalang kasi akong nagtatago dahil habol na man ng habol ang babaeng 'to sa akin.

"Ahh, okay , I understand. I'm here to check if you're alright, sabi kasi ni Jonas nakagat ka daw nang unggoy" worried ang mukha nya at hinihingal pa din.

Loko talaga itong si Jonas bakit naman nya sinabi yun? Halos lahat ng studyante dito sa college namin alam ang obsession nitong si Celeine sa akin. Kahit sinong babaeng nagpapakita ng interest sa akin ina-away nya. At itong si Jonas nakuha pang pagtripan si Celeine eh alam naman nya kung gaano ito ka obsess sa akin, kaya siguro ito hinihingal at na pasugod dito.

"Hindi ako nakagat ng unggoy okay. The monkey was unconscious when we did the examination, so you better go home" I move forward to reach the door para lumabas na ng bigla nya akong niyakap ng napakahigpit.

"Thanks God, your okay. Bwuset na Jonas yun ah pinakaba pa ako, walang'ya" she said while she was hugging me. I tried to push her away but I can't, takte ako ang lalaki dito pero di ko magawang itulak sya, ang higpit lang ng pakaka-akap nya.

"Hey..hey.. you move away" I muttered, buti naman at lumayo na sya. She was smilling while looking into my eyes.

"Go home" sabi ko at naglakad palayo.

"Bye Vince Paolo Hayes, ingat sa pag-uwi. I LOVE YOU" sigaw nya at halata sa boses nya ang kasiyahan..  =___= hindi na ako nahihiya sa ginawa nya, nasanay na ako she always do that for over 4 years everytime I walk away.

Lumingon ako sa likuran ko, and I saw nothing. Akala ko kasi sinusundan nya ako, well since hindi naman pala eh di mabuti.

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon