Chapter 1.1

3.5K 95 90
                                    

Chapter One - 1

"Maddy, tapos ka na bang magbihis?" pasigaw na tanong ni mama mula sa sala.

"Saglit lang ma, malapit na" sagot ko din ng pa sigaw nasa kwarto kasi ako.

"Bilisan mo dyan, baka ma late pa tayo." sigaw niya ulit.

"Opo ma... excited naman kayo masyado" sabi ko, pababa ng hagdan.

"Wow, ang ganda talaga ng anak ko" nilapitan ako ni mama at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"tignan mo hon dalagang dalaga na ang baby natin." sabi niya ulit at nilingon si papa.

Ngumiti si papa na nakatayo sa may pintuan at lumapit sa amin. "kasing ganda mo hon" sabi niya kay mama at hinalikan pa sa pisngi. ^__^

Ang sweet, nakakainggit HAHA :D

sana pagdating ng araw maging kagaya din ako nila mama at papa. :)

"let's go?" sabi ni papa, tumango naman kami ni mama at lumabas na kami ng bahay.

*********

"Just on time" sabi nong lalaki, kasing edad lang ni papa. Nag shake hands sila at pinakilala nya kami ni mama sa kanila.

"This is my beautiful wife Maylene, and my adorable daughter Madeline" pakilala ni papa sa amin.

Nakipag shake hands din kami ni mama don sa isang lalaki at babae na ka age lang ni mama at papa mag asawa din ata.

"take your seats" sabi nang babae na ka age lang ni mama, ang ganda nya mukha syang mabait at ang sosyal nyang tingnan. Pang Emily Guidotte sa Walang Hanggan.

Umupo na kami at nagsalita naman yung lalaking ka age ni papa.

"This is my wife Rose and I'm Chan" pakilala nya sa amin ni mama.

Si Mr. Chan Hayes ay ang bagong ka business partner ni papa. Magkaibigan sila noong elementary at highschool pa lang sila. Hindi na sila nagkita nang mag college na sila dahil sa America nag aral si Mr. Hayes at si papa naman dito lang sa Maynila.

Nagkita daw sila muli nang nakaraang reunion nila sa High School, two weeks ago. at napag-isipan nilang maging business partners. Si Mr. Hayes kasi isang malaking business man na, restaurants at hotels ang pinagmamay-ari nya. Si papa naman kakasimula lang mag negosyo two years pa lang yung business naming coffee shop

Gusto nya daw na tulongan si papa na mas lumago pa ang negosyo nito. Dati daw kasi si papa ang tumutulong kay Mr. Hayes na manligaw sa mga chicks nito noong High School pa lang sila. Na ikwento yan sa amin ni papa kahapon lang.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga restaurants sa loob ng hotel na pagmamay-ari ng mga Hayes, mag di-dinner kami, si Mr. Hayes ang nagyaya kay papa para naman daw may formal agreement ang partnership nila. Actually mag iinivest si Mr. Hayes kay papa para palakihin ang negosyo ni papa. Sinama na din kami ni papa para makilala daw namin ang pamilya ni Mr. Hayes.

"My son, will be here too. Ma li-late lang daw sya nang konti, may pictorial pa kasi" sabi ulit ni Mr. Hayes at tinawag yung waiter.

May pictorial yung anak nya? siguro photographer anak nya... ay hindi siguro artista o model.. Sino kaya! HEHE siguro sikat ang anak niya.

Nag order na sila, sabi ni Mrs. Hayes yung specialty daw nila ang ese-serve.. Ang sarap siguro... waaah! nakakagutom isipin. (*_*)

Nagkwentohan si papa at si Mr. Hayes, pati na din si mama at Mrs. Hayes nakakatuwa nga eh kasi magkasundo si mama at si Mrs. Hayes pinag-uusapan nila ang tungkol sa nakaraang episode ng Walang Hanggan. HAHAHA nakaka-aliw... si mama kasi she can't stand a night without watching Walang Hanggan especially Coco Martins' face.

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon